Chapter 50 part 2

107K 1.9K 177
                                    

Chapter 50 part 2

Kinabukasan ay maagang nagising si Divina. Inaabangan niyang bumaba si Dennis para makausap ito, nabanggit sa kanya ng asawa na pupuntahan ngayon ng anak si Emer.

"Mama, ang aga mo naman yatang nagising?" nagulat si Dennis ng maabutan niya itong tahimik na nakaupo sa sala.

"I'm waiting for you, nasabi ng papa mo na maaga ka raw aalis. Kailan ka pupunta sa San Simon?"  alanganing tanong ni Divina.

Nagtataka si Dennis dahil kakaiba ang kinikilos ng ina ngayon. Kagabi ay pinagsisigawan nito na hiwalayan niya ang asawa.

'Mama, is there something bothering you?" hindi na nakatiis na tanong niya sa ina.

"Hijo, maupo ka dito." sabay turo sa katapat na upuan. "I'll tell you something pero sana maintindihan mo ako kung bakit ko nagawa ito."

Kinakabahang naupo si Dennis. Tinitigan lamang niya ang ina, ngayon niya lamang napansin na mukhang balisa ito.

"Kinausap ako kami ni Joan ng papa bago kami pumunta dito." simula ni Divina.

Napailing si Dennis dahil parang alam na niya kung ano ang sasabihin ng ina. "Ano namang kasinungalingan ang pinagsasabi niya sa inyo?"

"She showed the bank statements about the 20 million. Kaya galit na galit ako kay Emer dahil sa nalaman ko." malumanay pa rin itong nagpapaliwanag sa anak, pero kitang kita niya ang pagkuyom ng kamao ni Dennis.

"Mama, I was the one who forced her to accept that money. I put her in a situation that she could not choose, actually I blackmailed her just to pretend as my fiance in front of you." pagtatapat ni Dennis.

Lalong napamaang si Divina sa narinig. "Oh God! that bitch! nilason niya ang isip ko." tukoy ni Divina kay Joan.

"Mama, I'm sorry kung niloko namin kayo. Gusto ko lang na wala kang inaalala habang nagpapagamot ka."

Nakonsensiya si Divina, kung alam lamang ni Dennis na hindi totoong may sakit siya. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin sa anak ang tungkol sa pag-uusap nila ni Eliza.

"Hijo, nakausap ko kagabi si Eliza." napakagat sa pang-ibabang labi si Divina.

Tahimik lamang si Dennis habang nakatitig sa ina, hinihintay niya kung ano pa ang sasabihin nito.

"Nagkasagutan kami kagabi at nakapagbitaw ako ng hindi magagandang salita tungkol kay Emer." patuloy ni Divina.

"Mama! why did you do that?" nanlulumo si Dennis.

"Hijo, I just want to protect you as you mother."

"Do you want to protect me?" pang-uulit ni Dennis. "Naririnig mo ba ang sarili mo Mama?" nang mga sandaling yun ay gusto ng sigawan ni Dennis ang ina pero dahil sa respeto niya dito ay pinipigilan niya ang kanyang galit.

"I'll go with you in San Simon ako ang magpapaliwanag sa mga magulang ni Emer." halos hindi magkandatuto si Divina.

"Baka ngayong mga oras na ito ay galit na galit na sa akin ang pamilya ni Emer. Mama, I love my wife and I'll do everything para maging maayos ang pagsasama namin." parang maiiyak na siya sa frustration. Kung problema lamang ito sa kompanya o sa hacienda ay alam niyang kayang kaya niyang ayusin pero pagdating kay Emer ay nanghihina ang loob niya.

Naaawa si Divina sa anak, alam niyang nasasaktan ito ng mga sandaling yun. "Why don't you try to call them? sabihin mo darating tayo ngayon para magpaliwanag. I'm sure if Emer loves you everything will be alright." pilit na pinapalakas ni Divina ang loob ng anak.

"That's my problem, hindi ako mahal ni Emer. I just forced her to marry me." napasabunot si Dennis. Masyadong magulo ang isip niya ngayon.

Hindi na makayanan ni Divina ang nakikitang paghihirap ng anak. Tumayo ito at dinampot ang cordless phone, tatawag siya sa villa ng mga Ignacio at bahala na kahit sigawan siya ni Eliza ang mahalaga ay makapag-usap sila.

"Pwede ko bang makausap si Mrs. Ignacio?" bungad ni Divina ng marinig na may sumagot sa kabilang linya. Sa tingin niya ay isa sa mga katulong ng mga Ignacio ang kausap niya ngayon.

"Wala po si ma'am Eliza, sino po sila?" magalang na tugon ng katulong.

"Si Divina Almonte ito, pwedeng kay Mr. Ignacio o kaya kay Emer?" umaasa si Divina na may makakausap kahit isa man sa kanila.

"Pasensiya na po ma'am umalis po sila."

"Saan sila nagpunta?" kinakabahan si Divina dahil baka mangibang bansa ang pamilya mas lalo silang mahihirapan na makipagkasundo sa mga ito.

"Ang narinig ko po ay dadalhin nila sa doctor si ma'am Emer. Ilang araw na po kasing masama ang pakiramdam niya, baka nga po may sakit si ma'am." pagbibigay ng impormasyon ng kasambahay.

"Salamat, tatawag na lang ako ulit mamaya." putol ni Divina.

"Mama, hindi sila basta basta tumatanggap ng tawag kaya kailangan ko talagang pumunta doon para maayos na ito." umiiling si Dennis habang nagsasalita.

"Yes, you need to be there. May sakit daw si Emer kaya wala sila sa rancho ngayon."

Biglang kinabahan si Dennis, kagabing kausap niya si Emer ay hindi man lang niya nahalatang may dinaramdam na pala ito. "Ano daw ang sakit niya?" natatarantang tanong niya sa ina.

"Ang sabi lang ng kausap ko na ilang araw na raw na masama ang pakiramdam ng asawa mo. Ako na ang bahalang mag aarrange ng chopper, ayusin mo na ang sarili mo at pupunta tayo ng San Simon." pagtataboy ni Divina sa anak.

Mabilis ang mga naging kilos ni Dennis. Si Divina naman ay agad na sinabihan ang asawa na sasamahan nila ang anak sa San Simon.

"Mamamanhikan ba tayo?" nang-aasar na tugon ni Francis sa asawa.

"Ano ka ba? seryosohin mo ang mga sinasabi ko." inis na tugon ni Divina.

"Calm down, aayusin natin ito." sabay akbay ni Francis kay Divina.

"I'm hoping na maayos na agad ito." mahinang usal ni Divina.

___________________

A.N.

Another UD guys ^___^

Happy reading  :)

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon