Chapter 34 part 1
Hindi pumayag si Dennis na mag taxi na lamang si Emer, kaya walang nagawa ang huli ng ihatid siya nito.
Pagbaba niya sa sasakyan ng binata ay natanaw niya ang kanyang Mama sa garden na may kausap sa telepono. Nilapitan niya ito at hinagkan sa kaliwang pisngi. Pakakita ng ginang sa anak ay agad na nito tinapos ang pakikipag-usap sa kabilang linya.
"Where have you been?" nakakunot ang noo ni Eliza.
"Sa office Mama, may mga tinapos lang akong designs." umupo si Emer sa tapat ng upuan ng ina.
"Good evening po." pagbibigay galang ni Dennis.
Tinanguan lamang ng ginang ang binata at binalingang muli ang anak. Si Dennis naman ay naupo sa tabi ni Emer hindi na lamang niya pinansin ang pambabalewala sa kanya ng future mother in law.
"Akala ko hindi ka papasok ngayon? at bakit magkasama pa rin kayo?" walang kangingiti nitong sita kay Emer.
Napabuntong hininga na lamang si Emer, talagang mainit ang dugo ng kanyang Mama kay Dennis.
"Mama, naisip ko wala naman akong gagawin dito sa bahay kaya tumuloy na ako sa opisina. At kung bakit magkasama pa rin kami ni Dennis dahil wala akong dalang sasakyan." malumanay na paliwanag ni Emer sa ina.
"May mga inasikaso rin po kaming papers for our wedding." singit ni Dennis.
Napailing si Divina sa narinig talagang matigas ang ulo ng kanyang anak. "Kailan ba ang plano ninyong magpakasal?" kay Dennis siya nakatingin habang nagsasalita.
"We've decided to move the date." sagot ni Dennis.
"That's good para makapag-isip isip pa kayo, hindi naman dapat madalian ang pagpapakasal." mabilis na sabi ni Eliza.
Napakagat ng labi si Emer sa sinabi ng ina sabay tingin nito kay Dennis.
"Napag-usapan po namin ni Emer na mas maaga ang kasal." matatag na sabi ni Dennis.
"What?!!" napatayo sa kinauupuan si Eliza.
"Emerald are you out of your mind? Sinabihan na kita na wala kang mapapala sa pagpapakasal sa lalaking yan." galit si Eliza pero pinipigilan nitong masigawan ang anak.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.