Epilogue
Tinotoo nina Divina at Eliza ang pangako na sila ang bahalang magsasaayos ng detalye sa kasal nina Dennis at Emer. Dahil na rin sa pamilyang kinabibilangan kaya walang hirap na naihanda ng mabilisan ang kasal.
"It was just months ago when we were forcing you to stay here, hindi ko akalain na yun ang magiging daan para makilala mo ang lalaking magmamahal sayo." Naluluhang wika ni Eliza habang pinapanood ang anak na inaayusan. Lalong lumutang ang kagandahan ni Emer ng maisuot ang kanyang simple at eleganteng traje de boda.
"Mama, parang nagsisisi ka samantalang halos kayo ni mama Divina ang nag-ayos nito." Nakangiting nilapitan ni Emer ang ina at inakbayan.
"I'll miss my princess, kukunin ka na ni Dennis sa amin." Paglalambing ni Eliza.
Natawa ang baklang nag-aayos kay Emer ng marinig ang sinabi ni Eliza. "Madam, mukhang mahal na mahal ninyo si ma'am Emer."
"Of course, I love my daughters kaya lang itong si Emer ang lagi kong kasama."
"Lagi rin kaming magkakampi ni mama sa kalokohan." Dugtong pa ni Emer.
Nagkatawanan ang iba pang tao na naroroon sa silid.
"Ikaw ang pinakamagandang bride na naayusan ko." Muling turan ng baklang make-up artist.
Nilabian ito ni Emer. "Yan din ang sinabi mo kay ate Althea."
"Syempre lahat ng bride na inaayusan ko may kakaibang ganda. At talagang hinahangaan ko lahat dahil kahit kalian ay hindi ko mararanasang maging bride." Pakwelang palusot ng bakla.
"Don't worry bibigyan naman kita ng tip kahit kahit hindi mo sabihin yan." Sabi ni Emer habang nakatitig sa salamin at kontento siya sa kinalabasan ng kanyang ayos.
Biglang nanahimik ang lahat ng makarinig ng sunud-sunod na katok at ng bumukas ang pinto ay iniluwa nito si Gerardo.
"Matagal pa ba yan? Baka mainip na ang mga bisita natin sa simbahan." Sita niya sa kanyang mag-ina.
Ngayon si Gerardo ang nagmamadaling makarating sa simbahan samantalang noon ay todo tutol ito sa ginawang pagpapakasal ng anak lalo ng malaman niya na isang Almonte ang napangasawa nito. Nagbago ang lahat ng Makita niya ang sincerity ni Dennis sa pag-amin ng tunay na nararamdaman para sa anak. Kung gusto niyang manipulahin ang mga pangyayari ay maaari niyang gawin.
Alam ni Gerardo ang dahilan kung bakit hindi agad nakabalik si Dennis pero hinayaan niya ang mga anakl ang lumutas ng sariling problema para may matutunan sila at para matiyak din nila ang tunay na damdamin sa isa't isa.
"She's almost done. Hwag kang mag-alala dahil hihintayin ni Dennis yang anak mo." May kasiguruhan na sabi ni Eliza sa asawa.
"You look like your mom, ganyan siya kaganda noong araw ng kasal naming." Humahangang sambit ni Gerardo.
"What do you mean? Hindi na ako maganda ngayon." Nakataas ang kilay ni Divina sa asawa.
"I didn't say that. Syempre ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko." Sabay yakap ni Gerardo dito.
Halos magtilian ang mga baklang nasa loob ng kwartong yun habang pinapanood ang dalawang matanda.
"Let's go, baka isipin ni Dennis na hindi ko siya sisiputin." sabi ni Emer sa mga magulang.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.