Chapter 37 part 1
Mabilis na dumaan ang mga araw habang nasa rancho si Emer dahil naging busy silang magkapatid. Ang kanyang boutique naman ay ipinagkatiwala muna niya kay Toffer dahil alam niyang hindi ito pababayaan ng kaibigan. Hindi niya namalayan na nakailang buwan na pala siya sa San Simon kundi pa siya tinawagan ni Althea para ipaalala sa kanya ang nalalapit nitong kasal.
Magmula ng dumating siya sa San Simon ay madalang pa sa patak ng ulan kung mag-usap sila ng asawa. Hindi niya kayang gawin na siya ang unang tatawag dito para mangumusta kaya hinihintay na lamang niya kung kailan siya maalalang tawagan ni Dennis.
Kasalukuyang siyang nagpapahangin sa veranda ng makita niya ang ina na papalapit sa kanya habang hawak nito ang cellphone niya.
"Hija, kanina pa nagriring itong phone mo. Naiwanan mo sa living room at muntil ng sagutin ng iyong Papa. I'm sure si Dennis yang tumatawag." mabilis na inabot nito sa anak ang telepono.
"Thank you, Mama." mabilis na sinagot ni Emer ang tawag. Malaki ang pasasalamat niya sa ina dahil hanggang ngayon ay wala pa rin itong sinasabi sa kanyang ama.
"Oh God! Emer. I was calling you since kanina pa but you're not answering your phone." bungad ni Dennis ng marinig ang boses ng asawa.
"I left my phone in the living room, bakit ka napatawag?" tanong ni Emer dito.
"I just want to let you know na uuwi na ako next week and I want you to go home before I arrive." demanding ang boses ni Dennis sa kabilang linya at parang empleyado lamang ang kausap nito.
"I think I can't make it, magkita na lang tayo sa kasal nina ate Althea." kahit na excited siya sa pag-uwi ng asawa ay ayaw ipahalata ni Emer.
"Emerald, hindi pwede. We'll go together sa kasal nina Gabriel and that's my decision." matigas na sabi ni Dennis.
"Wala kang magagawa this time if you want sunduin mo ako dito sa rancho. Kaya mo bang harapin ang Papa ko?" nang-aasar na sabi ni Emer. Parang gusto niyang palakpakan ang sarili ngayon dahil kaya na niyang salungatiin ang mga gusto ni Dennis.
Tahimik lamang na nakaupo si Eliza habang pinakikinggan ang sinasabi ng anak sa kabilang linya. Masaya siya sa naririnig mula kay Emer.
"Damn!" napamura si Dennis ng marinig ang sinabi ni Emer. Kahit kailan talaga ay kayang kaya nitong inisin siya.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.