Chapter 21 part 2
Sinalubong nya si Mrs. Almonte at niyakap ito ng mahigpit.
"Tita, I'm happy to see you."
"Sabi sa akin ni Dennis you're too busy, kaya ako na ang nagyayang pumunta dito." sabi ni Mrs. Almonte habang ginigiya sya ni Emer papuntang living room.
"Katatapos lang po kasi ng opening ng boutique kaya hindi po ako nakasama na sumundo sa inyo." nagpapaliwanag si Emer sa matanda.
"That's okay, I understand hija,worried lang ako baka hindi ka inaalagaan ni Dennis." hinawakan pa ni Mrs. Almonte kamay nito.
"Kumusta po ang health condition ninyo? Hindi po ba kayo nahihirapan sa pagbibiyahe?" nag-aalalang tanong ni Emer.
"Nothing to worry hija, basta sundin ko lang ang mga bilin ng doctor ko." maluwag ang pagkakangiti nito kay Emer.
"Ma'am ready na po ang breakfast." pag-aanunsiyo ni Manang Salud.
Sabay na tumayo ang dalawa papuntang dining room. At habang kumakain ay biglang may naalala si Mrs. Almonte.
"Emer may nakakita kay Dennis sa isang bar may kasamang babae. I know hindi ikaw yun wala sa personality mo ang tumambay sa ganoong lugar. "
Nang marinig ni Emer ang sinabi ng kaharap ay may kumurot sa puso nya. "Baka po mga kaibigan nya lang yun." pilit nyang pingtatakpan ang nararamdaman.
"I don't think so, kaya nagmamadali akong umuwi dito. Emer, hwag mong pagtakpan ang lalaking yun kahit anak ko sya, I won't tolerate him.' may awtoridad na ang boses ni Mrs. Almonte.
"Tita, masyado po akong naging busy these past few weeks, napabayaan ko po si Dennis kaya siguro nagpalipas lang ng oras." habang sinasabi ito ni Emer ay nanggigigil sya kay Dennis.
"That's not an excuse para ipagpalit ka nya sa bababeng yun." umiiling na sabi ni Mrs. Almonte.
"Don't worry Tita, I'll confront him later. Hwag na po kayong magalit baka makasama pa sa inyo." pagpapakalma ni Emer dito.
Umiling na lamang ang matanda at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ma'am i-seserve na po ba namin ang dessert?" tanong ng isa sa mga kasambahay na pinadala ni Dennis.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.