Chapter 44 part 1
Nang magising si Dennis ay agad niyang kinapa ang kabilang bahagi ng kama. Napakunot ang noo niya ng mapansin na wala na sa kanyang tabi si Emer. Dali dali siyang tumayo at nagbihis, naalala pa rin niya ang nangyari sa kanila ng asawa kagabi. Hinding hindi niya makakalimutan ang natuklasan ng gabing yun, na siya ang unang lalaki sa buhay ng asawa.
Nagmamadaling bumaba si Dennis at ang buong akala niya ay nasa kusina lamang si Emer. Dire-diretso niyang tinungo ang dining hall at inabutan niyang naghahain doon si Nana Salud.
"Nana, nasaan si Emer?" mababakas ang excitement sa boses niya.
Panandaliang napatigil si Nana Salud sa ginagawa habang nagtatakang napatingin sa amo.
Biglang kinabahan si Dennis sa pananahimik ng matanda at sa klase ng tingin nito sa kanya.
"Where's my wife?" ulit na tanong ni Dennis at seryosong seryoso ito.
"K-kagabi pa umalis si Emer. Akala ko nakapag-usap na kayo." halos magkandautal si Nana Salud.
"U-umalis? Saan nagpunta? Sino ang kasama?" sunud-sunod ang mga tanong niya. Ngayon ay parang naninikip ang dibdib ni Dennis. Bago siya nakatulog kagabi ay nakabuo na siya ng plano, aaminin na niya ang tunay na nararamdaman kay Emer. Pero ngayon ay bigla na lamang umalis ang asawa.
"Ang alam ko uuwi siya ng San Simon, siya lamang mag-isa at ang bilin niya ay ipapahatid na lang daw niya ang kotse mo sa driver nila." parang gustong maawa ni Nana Salud sa reaksiyon ni Dennis. Kung hindi lamang sana niya nakita kung paano tratuhin nito ang alaga ay maniniwala siyang may damdamin ito kay Emer.
Nang marinig ni Dennis ang sinabi ng matanda ay nanghihinang napaupo siya sa silyang naroroon sabay sapo ng dalawang kamay sa kanyang ulo.
"Nana Salud, anong gagawin ko? kayo ang higit na nakakakilala kay Emer dahil matagal na rin kayong naninilbihan sa kanya." parang bata itong humihingi ng saklolo sa matanda. Alam niyang hindi siya makalakapit sa rancho, natatakot din siyang harapin ang papa ng asawa.
Umupo sa katapat na upuan si Nana Salud. "Kagabing umalis si Emer ay iyak siya ng iyak. Nag-away na naman ba kayo?" malumanay na sabi nito.
Umiling si Dennis. "Hindi kami nag-away kagabi, but she told me she wants an annulment." malungkot na pahayag ni Dennis.
"Sana anuman ang problema ninyong dalawa ay pag-usapan ninyo. Itinuring ko ng parang anak si Emer kaya nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang malungkot."
"Paano pa kami makakapag-usap?" sabay buntong hininga ni Dennis.
"Ikaw ang nagsimula nito kaya gumawa ka ng paraan na makausap mo siya." matamang tinitigan ni Nana Salud si Dennis.
Muling napayuko si Dennis at pilit na nag-iisip ng paraan kung paano makakausap ang asawa.
"Mahal mo ba ang asawa mo?"
Biglang napaangat ang ulo ni Dennis ng marinig ang tanong ni Nana Salud.
"Hindi ko po alam, pero ang alam ko ngayon ay nasasaktan ako sa nalaman ko na iniwan na niya ako." matapat na tugon ni Dennis.
"Kayong dalawa hindi ko kayo maintindihan lalo ka na." palatak ni Nana Salud. Ngayon ay hindi siya nahihiyang magpahayag ng saloobin sa among lalaki.
"What do you mean Nana Salud?" nakakunot ang ang noong tanong ni Dennis.
"Ikaw nama kasi ang unang nag-iwan sa asawa mo. Pumunta ka ng Singapore pagkatapos na pagkatapos ng kasal ninyo, kahit naman sinong babae hindi matutuwa sa ginawa mo." may himig panenermon na sa salita ng matanda.
"Nana Salud, trabaho ang pinunta ko doon at hindi ko na pwedeng ipagpaliban dahil naka schedule na yun." paliwanag ni Dennis.
"Sana man lang isinama mo na lang ang alaga ko, hindi yung parang manyika lang na iniwan mo dito. Kahit hindi magsalita si Emer alam kong nasasaktan siya ng mga panahon na yun." lakas loob ng ipinagtatanggol ni Nana Salud ang alaga.
"Alam ko pong isa yun sa mga pagkakamaling nagawa ko kay Emer." mahina ang boses na pag amin ni Dennis. Hindi siya makapagbigay katwiran sa matanda dahil aminado sa sa bagay na yun.
Napangiti si Nana Salud ng marinig niya sa mismong bibig ni Dennis na tumatanggap na ito ng pagkakamali. Laking pasasalamat niya rin ay hindi siya sinisinghalan nito sa pakikialam niya sa relasyon nila ni Emer.
"Noong isang araw tinawagan kita, pero babae yung nakasagot.."
"Nana si Joan yun." maikling sagot ni Dennis.
"Sino ba si Joan?"
"Dati ko pong girlfriend pero wala kaming relasyon ngayon. Nagkataon lang na sa iisang hotel kami naka check-in." panay ang paliwanag ni Dennis kay Nana Salud. Napag-isipan niya na kailangan niya rin ng makakausap ng mga oras na yun at minabuti niyang kay Nana Salud na lang niya ihinga ang mga hinaing.
"Hindi ko masisisi si Emer na magalit nga sayo. Kasi naman, bakit sa kwarto mo pa siya pinatulog? Kung nakita mo lang sana ang galit ni Emer pagkatapos niyang kausapin ang babaeng yun." umiiiling na sabi ng matanda.
"Kahit sa kwarto ko siya natulog walang nangyari sa amin."
"Bakit hindi mo tawagan ang biyenan mong babae? baka makatulong siya sa problema mo." suhestiyon ni Nana Salud, naguguluhan na rin siya sa tinatakbo ng usapan nila ni Dennis. Kung siya ang nasa katayuan ni Emer ay hindi rin siya maniniwala na walang nangyari sa buong magdamag na magkasama ang dating magkasintahan. Idagdag pa rito ang reputasyon ni Dennis pagdating sa mga babae.
"Tumawag na ba sa inyo si Emer kung nakarating siya ng safe sa rancho?" nag-aalalang tanong ni Dennis.
"Ay! oo nga pala tatawagan ko dapat siya kanina bago ka bumababa." mabilis na sabi ni Nana Salud.
"Please call her, at pakisabi na gusto ko siyang makausap." bilin ni Dennis sa matanda.
Tumango ang matanda at tinungo ang kinalalagyan ng telepono.
_____________________
A.N.
Sorry wala po akong UD kahapon busy po sa baking ^___________^
Please don't forget to vote and leave your comments :)
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.