Chapter 43 part 2
Dahan dahang tumayo si Emer, ramdam niya ang pagsigid ng kirot sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. Muli niyang pinagmasdan si Dennis habang mahimbing pa rin ito sa pagtulog. Labag man sa kalooban niya ay kailangan na niyang layuan ang asawa, hindi niya rin alam kung paano niya ito haharapin paggising.
Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Emer, hindi na niya muling nilingon si Dennis baka magbago pa ang kanyang isip. Ipapahatid na lamang niya kay Nana Salud ang mga maiiwan niyang gamit sa bahay niya.
"Ma'am, ipaghahanda ko ba kayo ng pagkain? Si sir Dennis Dennis pa rin kumakain." sabi ni Nana Salud nang Makita niyang pababa ng hagdan si Emer. Ang hula niya ay nagkabati na ang dalawa dahil ilang oras na rin dumating si Dennis pero wala siyang narinig na sigawan mula sa master's bedroom.
"Nana, nasaan ang susi ng kotse?" ngayon nagsisisi si Emer kung bakit hindi siya nagdala ng sariling sasakyan, ngayon ay kailangan muna niyang gamitin ang isang kotse ni Dennis. Ipapahatid na lamang niya ito kinabukasan sa driver nila.
"Saan ka pupunta sa ganitong oras?" agad na napatingin si Nana Salud sa orasan halos maghahatinggabi na.
"Nana, uuwi na ako ng San Simon pakihakot na lang ang mga gamit na maiiwan ko dito. Kayo na po ang bahala." Parang maiiyak si Emer habang nagsasalita.
"Huh? Alam ba ito ng asawa mo?" naguguluhang tanong muli ng matanda.
"Hindi ko na kailangang magpaalam sa kanya. I'm sure lalong matutuwa yun kapag nawala na ako sa buhay niya." Pumatak na ang mga luhang pinipigilan niya.
"Alam mo sa ilang taong paninilbihan ko sayo itinuring na kitang tunay na anak. Nasasaktan din ako sa nakikita kong paghihirap mo pero sana naman mag-usap kayong mag-asawa." Inalalayan ng matanda na makaupo si Emer sa sofa at tinabihan ito.
"Wala na pong patutunguhan ang relasyong ito Nana. Buo na ang plano ko, I will set him free." Parang pinipiga ang puso ni Emer habang binibitiwan ang mga katagang ito.
"Pero hindi ako makapaniwala, kaninang dumating si sir Dennis kitang kita ko ang pananabik sa mukha niya na makita ka. Ikaw nga ang unang tinanong pagdating na pagdating niya at nagmamadaling umakyat sa taas." Napapailing na sabi ni Nana Salud.
"Nagkamali lang kayo ng interpretasyon sa mga kilos niya. Nana, please get the key para makaalis na ako." Nakikiusap na sabi ni Emer.
"Pwede bang ipagpabukas mo na ang pagbibiyahe? Baka madisgrasya kang bata ka."
"Nana, hindi pwede. Hindi na dapat ako Makita ni Dennis paggising niya." Buo na ang pasya ni Emer ng mga sandaling yun.
"Tatawagan mo agad ako kapag nasa rancho ka na ha." Bilin ng matanda kay Emer habang inaabot dito ang susi.
Tumango na lamang si Emer, mabilis niyang inabot dito ang susi at dinampot ang kanyang purse. Nagmamadali na niyang tinungo ang garahe.
Pinagbuksan siya ng gate ni Nana Salud. Ibinaba ni Emer ang salamin sa tapat niya.
"Mag-iingat ka at hangad ko ang kaligayahan mo." Malungkot na sabi ni Nana Salud. Alam niyang hindi na muling babalik ang alaga sa bahay na ito.
"Maraming salamat po." May pait sa ngiti ni Emer. "Kayo na po ang bahala kay Dennis." Nakuha pa niyang ibilin ang asawa sa kabila ng hindi magandang pinagsamahan nila.
Nang tuluyan ng makalabas si Emer sa gate ay ang pinipigil na iyak ay nauwi sa hagulgol. Itinabi muna niya sandali ang kotse sa gilid ng kalsada. Kung ipagpapatuloy niya ang pagmamaneho ay siguradong madidisgrasya siya. Hinamig muna niya ang sarili bago muling pinatakbo ang sasakyan.
Siguradong umaga na siyang makakarating ng San Simon ang tanging dasal niya ay sana hindi pa gising ang kanyang Papa. Ayaw niyang Makita siya ng kanyang ama sa ganoong ayos.
Halos anim na oras ang tinagal ng biyahe ni Emer dahil pahinto hinto siya. Tuwing naaalala niya si Dennis ay parang bukal na walang tigil sa pagsibol ang kanyang mga luha.
Gulat na gulat si Eliza ng Makita ang anak na pababa sa kotse. "Emerald! What happened to you?" nagmamadali niyang nilapitan ang bunso. Namumugto ang mga mata nito at halatang wala pang tulog.
"Mama!" mahigpit na yumakap si Emer sa ina.
"Ssshhh." Hinagod ni Eliza ang likod ng anak at inalalayan ito paakyat sa kwarto.
"Ano ang nangyari?" matiim na tinitigan ng ginang si Emer na nakaupo sa gilid ng kama.
"Mama, makikipaghiwalay na ako kay Dennis." Naiinis si Emer sa sarili dahil hindi maubos ubos ang kanyang mga luha.
"Pinagbuhatan ka ba niya ng kamay?" pagalit na tanong nito.
"No, Mama." Sabay iling ni Emer.
Nakahinga ng maluwag si Eliza, dahil hindi niya mapapatawad ang lalaking yun kung sakaling sinaktan nito ang kanyang anak.
Nanatiling walang kibo si Eliza, hinihintay niyang kusang magsabi ang anak tungkol sa problema. Kung hindi man ito ag confide sa kanya ngayon ay nirerespeto niya ang damdamin nito.
"Mama, may n-nangyari sa amin ni Dennis." Basag ni Emer sa katahimikan sabay yuko nito. Hindi niya kanyang salubungin ang titig ng ina. Nahihiya siya dito, dahil hindi naman ito nagkulang sa pagpapaalala sa kanya.
Napasinghap si Eliza ng marinig ang pinagtapat ng anak, hindi niya pwedeng sermunan si Emer ng mga sandaling yun, kitang kita niya ang paghihirap ng kalooban nito. Mabilis siyang tumabi sa anak at niyakap ito.
"Wala na tayong magagawa, nangyari na yun." Pagpapagaan ni Eliza sa kalooban ng anak, pero deep inside ay nanggigigil siya kay Dennis.
"Alam kong may mabigat na dahilan kung bakit makikipaghiwalay ka na sa asawa mo." Pahayag muli ni Eliza habang tinatapik ang mga kamay ni Emer na nasa kandungan.
"Mama, bago ako bumalik ng Manila nakapagdesisyon na ako kaya lang lalong nabuo ang desisyon ko ng malaman kong nagkabalikan na sila ng dati niyang girlfriend. At magkasama sila sa Singapore." Tila batang pagsusumbong ni Emer.
Muntik ng mapamura si Eliza ng marinig ang sumbong ni Emer. Muling nabuhay ang galit sa dibdib niya kay Dennis, hindi niya palalampasin ang ginawa nito sa anak.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.