Chapter 23 part 2
"Anong ibig sabihin nito?" dumadagundong ang boses ni Dennis sa opisina ni Emer.
Pagkakita ni Emer kay Dennis ay mabilis niyang hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ni Toffer. Alam niyang wala siyang ginagawang masama pero napasin niya na doon nakatitig si Dennis.
"Pare nag-uusap lang kami ni Emer." paliwanag ni Toffer.
"Alam mo ba na ang babaeng kausap mo ay fiance ko?" sabay lapit ni Dennis kay Emer at hinablot ito palayo kay Toffer.
Lihim na napangiti si Toffer at parang may magandang ideya siyang naisip. "Pare, fiance mo pa lang naman si Emer at hindi pa asawa at sa pagkakaalam ko hindi ka masaya na pakasalan sya." Habang nagsasalita si Toffer ay pilit niyang pinapatigas ang boses na parang isang tunay na lalaki.
Pilit na pinipigilan ni Dennis ang sarili na hindi sumabog ang galit niya.
Si Emer naman ay nagtataka sa inaasal ng kaibigan. "Toffer mamaya na lang natin pag-usapan ang tungkol sa mga new designs iwan mo muna kami ni Dennis." pagtataboy ni Emer sa kaibigan.
Paglabas ni Toffer ay agad na binalingan ni Dennis si Emer. "Bakit nandito ang lalaking yun? at magkahawak pa kayo ng kamay."
Kitang kita ni Emer ang galit sa mga mata ni Dennis. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ko? nag uusap kami tungkol sa negosyo." dinaanan lang ni Emer si Dennis para bumalik sa executive table niya na nasa gitna ng opisina.
"Emerald siguraduhin mo lang na tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan ninyo." pagigil na sabi ni Dennis.
Hindi maintindihan ni Emer kung ano ang pinagsisintir ng lalaking ito. Basta na lang papasok sa kanyang opisina ng walang pahintulot at tinakot pa ang kanyang baklang kaibigan.
"Bakit ka nga pala nandito? Wala naman tayong usapan today." nakataas ang kilay na tanong ni Emer.
Padabog na inilapag ni Dennis ang lunch bag sa mesa ni Emer. "Hayan padala ni Mama para sayo daw. Ang akala niya masyado kang busy dito hindi niya alam na nakikipagharutan ka lang." hindi pa rin maipinta ang mukha ni Dennis habang nagsasalita.
"Dennis, watch your words! hindi na ako natutuwa sa inaasal mo." tumaas na rin ang boses ni Emer.
"Sa mansion ka magdinner mamaya, hihintayin ka ni Mama." sabay labas ni Dennis sa opisina ni Emer hindi na niya hinayaang makapagprotesta pa ang dalaga.
Wala ng nasabi si Emer pinagmasdan na lang niya si Dennis habang palabas ng opisina niya.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.