Chapter 14

162K 1.8K 57
                                    

A.N.

Maraming salamat guys sa pagsuporta sa Playful Heart.

Please vote and leave your comments :)

__________________________________

Chapter 14

"Maam may bisista po kayo." humahangos pa si Manang Salud sa pag aanunsiyo kay Emer. 

Kasalukuyang kausap ni Emer si Althea sa kabilang linya. Mabuti na lamang at maayos na ang lagay nito sa Canada. 

"Manang sino ang bisita ko?" parang may hinala na sya kung sino ang dumating but she still need a confirmation from Manang Salud. 

"Sus! yung boyfriend mo, si Dennis. Labasin mo na baka mainip yun, nasa den sya naghihintay." nakangiting sabi ni Manang Salud.

Napabuga ng hangin si Emer, after one week ng encounter nila sa restaurant ay wala na silang communication. Naging busy na rin sya sa sinisimulang boutique kaya nawala sa isip nya si Dennis at mabuti na lamang pala ay nakaalis na si Althea papuntang Canada kung nagkataon ay mabubuko na sila.

Inabutan nya si Dennis na prenteng nakaupo sa sofa habang nagbubuklat ng magazine. 

"Anong masamang hangin na naman ang nagdala sayo rito sa pamamahay ko?" nakataas ang kilay. 

"That's not the proper way to greet your fiance." mabilis na tumayo si Dennis at nilapitan sya at walang sabi sabing hinalikan sya ng mabilis sa labi. 

Emer was shocked, hindi ito ang unang beses na nahalikan sya pero may kakaiba syang naramdaman sa halik ni Dennis. 

"Napakawalanghiya mo talaga!" hinampas nito sa braso si Dennis ng makabawi sya sa pagkabigla.

Nakangiti lang na bumalik si Dennis sa kinauupuan nya. "We have to talk. Hindi tayo makakapag-usap kung lagi mo akong pinagsusungitan."

'What do you need tihis time?" umupo si Emer sa tapat ni Dennis.

"Nag-organize ang mama ng family vacation at nagrequest sya na isama kita." walang paligoy ligoy na sabi ni Dennis.

"Bakit ako? Bakit hindi yung girlfriend mo ang dalhin mo?." nakasimangot na sabi ni Emer.

"That's why I'm here. Ikaw ang alam ng pamilya ko na girlfriend ko. I can sense na nagseselos ka kay Michelle." nakangisi si Dennis.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon