Chapter 48 part 2
Agad na tumulak ang mag-asawang Almonte sa Bacolod para asikasuhin ang mga problema ng hacienda. Habang nasa biyahe ay walang kibuan ang mag-asawa walang gustong magbukas ng paksa tungkol sa nalaman nila mula kay Joan.
Natuwa si Dennis ng malaman mula sa kapatid na darating ang mga magulang para tumulong sa problema at ang ibig sabihin nito ay pupwede na niyang puntahan si Emer. Ilang araw na niyang tinatawagan ang asawa pero iisa lang ang sinasabi sa kabilang linya, busy daw ito at hindi pwedeng istorbohin. Sinubukan na rin niyang kausapin ang mga biyenan pero ni isa sa kanila ay walang tumanggap sa tawag niya. Kaya naman masyado na siyang nag-aalala.
Hindi naman nagtagal ay inanunsiyo na ng kanilang katiwala na dumating na ang kanilang mga magulang. Nagmamadaling bumaba si Dennis mula sa library.
"Papa, how was your trip?" masayang bungad ni Dennis sa mga magulang.
"It was tiring. Tumatanda na talaga ako." nakangiti ito sa anak. "Where is your brother?" sabay ikot ng paningin sa loob ng kabahayan, hinahanap nito ang pamilya ng panganay na anak.
"Nasa refinery si kuya, pinauwi muna namin ang mga bata kina ate Lena mas safe sila doon." paliwanag ni Dennis sa mga magulang.
"Ganito na ba kalala ang problema natin dito?" parang biglang natakot si Divina. Ngayon lamang nila naranasan na magkaroon ng pag-aaklas sa hacienda.
"You better rest first and later I will explain everything." utos ni Dennis sa mga magulang.
"Hindi rin ako makakapagpahinga, gusto ko ng malaman kung ano ang mga nangyayari dito." palakad lakad si Divina sa maluwag na sala habang nagsasalita.
"Mama, even I'll tell it to you right now hindi rin tayo makakapag-isip ng maayos because you're still tired. Alam ko may jet lag pa kayo and please this time makinig kayo sa akin." pakiusap ni Dennis. Kung siya lang ang masusunod matagal na sanang naayos ang problema nila kung hindi lamang nagmamatigas ang kapatid sa hinihiling ng mga magsasaka.
"Tama si Dennis, masyadong stressful ang araw na ito. Gusto ko munang magpahinga." sang-ayon ni Francis sa anak.
Nang umakyat ang mga magulang sa kwarto ng mga ito ay bumalik si Dennis library. Inabutan niyang nag-iingay ang kanyang cellphone. Napangiti siya dahil inaasahan niya na si Emer o isa sa pamilya ng asawa ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.