Chapter 28 part 2

144K 1.5K 57
                                    

Chapter 28 part 2

"Dennis ano ang plan ninyo ni Emer?" curious na tanong ni Francis sa anak.

Napatitig si Emer kay Dennis hinihintay niyang magsalita ito. 

Binalingan ni Dennis si Emer at ginagap nito ang kamay. Naramdaman niyang nanlalamig ang dalaga. "Ganyan nga Emer kabahan ka dahil ito ang ginusto mo ibibigay ko sayo." yan ang mga salitang naglalaro sa isip ni Dennis habang nakangiti sa harap ng mga magulang.

"Papa, Mama alam ko naman na ito ang gusto ninyong mangyari. Napag-usapan na namin ni Emer ang tungkol sa kasal." Walang paligoy ligoy na sabi ni Dennis. 

Napasinghap naman si Emer ng marinig ang sinabi ni Dennis. Naramdaman niya rin na pinisil ng binata ang kamay na hawak nito. Hindi niya maintindihan kung ang ibig sabihin nito ay encouragement or warning para sa kanya.

Natuwa ang mag-asawang Almonte sa narinig mula sa bunsong anak. Samantalang si Vincent naman ay masaya rin sa tinatakbo ng sitwasyon dahil hindi na sya makakapagsinungling sa pinsan at maaasikaso na rin niya ang personal na problema.

"I'm happy to hear that. Kailan ang plano ninyong magpakasal?" tuwang tuwang sabi ni Divina.

"Gusto namin next month na Mama." si Dennis pa rin ang nagmamanipula ng usapan. Hindi rin naman alam ni Emer ang tinatakbo ng utak ng binata, wala siyang idea sa mga pinagsasabi nito. 

"Hijo, next month! hindi yata natin kakayanin ang prepasyon." sabi ni Divina.

"Mama, gusto sana namin ni Emer na simpleng kasal na lang muna habang inaayos niya pa ang problema niya sa kanyang mga magulang." mabilis naman na sabi ni Dennis.

Umiiling na lamang habang nakikinig ang ginang. "Hindi ko kayo maintindihan."

"Divina dapat maging masaya ka na lang para sa anak natin. Let them decide, it's their wedding just support them." sermon ni Francis sa asawa.

"Okay, bahala na kayo." sumusukong sabi ni Divina.

"Emer hija, gaano ba ka simple ang kasal na gusto ninyo ni Denis?" usisa ni Francis.

Naumid ang dila ni Emer, halos hindi sya makapagsalita. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon