Chapter 20 part 1
Masamang tinging ang pinukol ni Dennis kay Emer. Sabay bitaw sa kwelyo ni Marco.
'"I want to talk to you!" you can see the anger in his eyes.
Umiling lang si Emer bago nagsalita. “Marco leave us for a while and I’m sorry for this..” hindi pa nakakatapos magsalita si Emer ay hinila na ni Dennis ang kanyang kamay papunta sa den.
“Ano bang problema mo?” inis na tinabig ni Emer si Dennis.
“I want to remind you about our agreement, habang girlfriend kita sa harap ng mga magulang ko hwag mo naman sana akong bibigyan ng kahihiyan.” Palakad lakad si Dennis habang nagsasalitaa.
Ibinagsak ni Emer ang katawan sa malambot na sofa. “Paano kita binigyan ng kahihiyan? Wala naman akong ginagawang masama.”
“Ano ang ibig sabihin ng pagdalaw sayo ng lalaking yun?” galit pa rin ang boses nito.
“Oh My God Dennis! We’ll just talk about business. May mga clients syang ipapakilala sa akin.”
“Bakit sya alam nya ang nangyayari sa business mo? I can also give you clients kung nagsasabi ka lang sana.” Naging malumanay na si Dennis.
“Are you jealous?” lakas loob na tanong ni Emer. Kung sabihin lang ni Dennis ng ‘yes’ baka maglulundag sya sa tuwa sa harap nito.
“I’m just after with my reputation. I don’t wanna see any man visiting you. While you’re my girlfriend ako lang ang may karapatang pumunta dito.” Authoritative na sabi ni Dennis.
“You’re selfish! Bakit ikaw pwedeng makipaglandian sa Michelle na yun?, this is unfair.” Inis na talaga si Emer sa inaasal ni Dennis.
“We’ve been together bago pa kita nakilala kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako sa mga dati kong ginagawa.”
Tinitigan ni Emer si Dennis bago nagsalita. “You’re not allowed to see her, kapag hindi mo ako sinunod… ”
“Ano ang gagawin mo?” mabilis na tanong ni Dennis.
“You’ll regret it Mr. Almonte. Pwede ba umalis ka na gusto ko ng magpahinga.”
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.