Chapter 39 part 2
"Why are you crying hija?" muling tanong ni Gerardo sa anak.
Halos hindi makasagot si Emer, hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin sa ama. Nanatili lamang siyang nakayuko.
Nilapitan ni Gerardo ang anak at tinapik ang balikat nito. "Hija, nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" pagpapagaan nito sa nararamdaman ng anak.
"Wala naman akong boyfriend." mahinang sabi ni Emer
"Bakit ganyan ang hitsura mo?" hindi siya naniniwala sa sinabi ng anak.
"Nagkasagutan lang kami ni Toffer, hindi kami nagkasundo sa designs na gusto ko." sabay kagat ni Emer sa pang-ibabang labi niya. Guilty na siya sa pagsisinungaling sa ama.
"That's part of the busines, hindi ka dapat balat sibuyas sa ganyang sitwasyon. Pag-usapan ninyo yan at maaayos din ang lahat." hinalikan pa nito ang tuktok ng ulo ng anak at sabay lapag sa isang folder sa mesa nito.
Nang makalabas ang ama ay nanghihinang isinandal ni Emer ang kanyang ulo sa upuan.
"Emer, paki check naman itong ..." natigilan si Althea ng makita ang ayos ni Emerald.
"What's wrong with you?" mabilis na nilapitan ni Althea si Emer. Hinila niya ang silya sa tapat ng mesa nito para tabihan siya sa pagkakaupo.
"Ate, look at this." sabay abot ni Emer ng kanyang cellphone kay Althea.
Napatitig si Althea sa telepono ni Emer. "What will I do with this?" naguguluhang tanong niya.
Muling inabot ni Emer ang telepono at ipinakita kay Althea ang litrato nina Dennis at Joan.
Nanlaki ang mga mata ni Althea sa nakita. "Kailan kuha ito?" mabilis niyang tanong.
"This morning, nagkataon naman na nandun si Jesica at Toffer." malungkot na sabi ni Emer.
"Now, do you understand us? ito na ang consequences." sabay buntong hininga ni Althea.
"Ate, sobrang sakit pala. Hindi ko na kaya, I give up." lumuluhang sabi ni Emer.
Mabilis na niyakap ni Althea ang umiiyak na si Emer. Alam niya ang ganitong pakiramdam. "Hwag kang magdesisyon ng padalos dalos." sabi ni Althea habang hinahagod ang likod ni Emer.
"I'll just wait for him, then we'll talk about our situation." umayos ng pagkakaupo si Emer at pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.
Tumango tango lang si Althea. "Kailan ba siya babalik ng Pilipinas?"
"Before your wedding for sure nandito na siya."
"Fix yourself now Emer, baka abutan ka ng Ate Emily mo maghinala na yun." utos ni Althea dito.
"Ate paano mo na overcome ang ganitong pakiramdam noong time na nagkakalabuan kayo ni kuya Gabriel?" parang batang tanong ni Emer.
"Hindi kami nagkakalabuan noon, talagang malabo na." pilit na pinapagaan ni Althea ang sitwasyon.
Napangiti si Emer ng marinig ang sinabi ni Althea.
"Seriously speaking, nakayanan ko ang lahat dahil sa inyong magkapatid. Lalo ka na, ang laki ng naitulong mo para magising si Gabriel kahit ilang beses mo akong ibinuko." natatawang sabi ni Althea.
Natawa rin si Emer ng maalala ang mga kapalpakan niya. "Mas mainam na mapawalang bisa na ang kasal namin ni Dennis habang maaga pa." malungkot na naman ang tinig nito.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Emer. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mararamdaman ang sakit pero alam niya isang araw ay malalampasan niya rin ang lahat.
"For me that's the right decision. Hwag mong hayaan na madamay ka sa galit ni Dennis sa mga babae." pagsang-ayon ni Althea sa naging pasya ni Emer.
"What do you mean?" nakakunot ang noong tanong ni Emer.
"This is just my own opinion base sa mga kwento sa akin ni Gabriel. Wala ng tiwala s i Dennis sa mga babae dahil sa ginawa sa kanya ni Joan."
"Dapat kay Joan lang siya magalit dahil siya lang naman ang nanloko sa kanya. Bakit kailangan niya pa akong idamay?" reklamo ni Emer.
"Kasi naman nalaman niya na nakipagsabwatan ka sa mga magulang niya, kaya hayun gusto kang gantihan." naiiling na sabi ni Althea.
"Hey, anong sabwatan yang naririnig ko?" biglang bungad ni Emily.
"Ate kanina ka pa ba diyan?" kinakabahang tanong ni Emer.
"Kadarating ko lang." tinitigan niyang mabuti ang kapatid at muling nagsalita "Bakit namumugto ang mga mata mo?" parang isang ina kung manita ito sa kapatid.
"Iyakin din pala yang si Emer, napagkwentuhan lang namin ulit ang love story namin ni Gabriel." sabay tayo ni Althea mula sa kinauupuan.
"Si Emer? umiyak after she heard your love story?" hindi makapaniwalang bulalas ni Emily, nanlalaki rin ang mga mata nito habang nagsasalita.
"O-oo, what's wrong with that?" halos hindi magkandatuto si Althea kung paano pagtatakpan si Emer. Alam niya na oras na malaman ni Emily ang pinoproblema ng kapatid ay magtatampo ito sa kanya dahil paglilihim niya rito.
"I know my sister, matigas pa ang puso niyan sa bato." natatawang sabi ni Emily. "Baka naman inlove na kaya affected na sa mga love stories na naririnig." pang-aasar ni Emily sa kapatid.
"Ate!" saway ni Emer dito. "Mabuti pa iwan niyo muna ako para matapos ko itong pinapagawa ni Papa." pagtataboy ni Emer sa dalawang babae.
Samantalang si Dennis naman ay hindi mapakali sa kanyang opisina. Agad na tinawagan niya ang kanyang driver na sunduin ngayon din si Emer sa San Simon. Kailangan niyang makausap ang asawa. Panay pa rin ang pindot niya ng kanyang cellphone may isang tao pa siyang kailangan makausap.
"Vincent, I need you here." bungad ni Dennis
"Huh? what's wrong?" kinakabahang tanong ni Vincent, nag-aalala siya na baka may malaki silang problema sa kakasimula nilang kumpanya roon.
"Don't worry walang problema sa kumpanya. I need to go home, kailangan naming mag-usap ni Emer." paliwanag ni Dennis sa pinsan.
"Akala ko kasama mo siya diyan?" naguguluhang tanong ni Vincent.
"I'll explain it to you later. At kailangan mo talagang pumunta dito dahil may mga bagay kang malalaman." may pagmamadali sa boses ni Dennis.
"Okay, I'll be there but not tomorrow may mga importatnte tayong kliyente na dapat kong kausapin bukas." pagpayag ni Vincent.
Nakahinga ng maluwag si Dennis ng marinig ang sinabi ng pinsan, hindi naman siguro magagalit si Emer kung ma delay siya ng isang araw sa pag-uwi.
_________________
A.N.
Maraming salamat sa lahat ng naghihintay ng UD.
Sorry for the short updates, hindi po madali magpatakbo ng isang company pero I'm trying my best na makapag UD everyday ^___^
Hingi ako ng favor sa inyo. May suggestion ba kayong title para sa story nina Vincent at Jesica... ^__^
Please don't forget to vote and leave your comments :)
Pakibasa rin po ito : THIS BITCH LIKES YOU
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.