Chapter 22 part 1
Pagkatapos pag-aralan ni Dennis ang ilang mga dokumento ay nagmamadali na siyang pumunta sa bahay ni Emer. Magmula ng nakausap nya ang kanyang Mama kanina ay hindi na sya mapakali.
Pagkababang pagkababa ng sasakyan ni Dennis ay agad niyang hinanap si Emer. Ang sumalubong sa kanya ay ang nakangiti niyang ina.
"Where's your Papa anak?" bungad nito kay Dennis.
"I think he can't make it, may mga investors pa syang kausap. Where's Emer?" balik tanong naman ni Dennis sa ina.
"Nasa den sya, she's talking on the phone with one of her clients. I think magiging successful ang boutique ni Emer and I happy for her." hindi nabubura ang ngiti ni Mrs. Almonte.
"Mama I can say that you're enjoying her company." sabi ni Dennis dito habang pabagsak na umupo sa sofa sa living room.
"I am happy anak because you did the right thing." tinapik pa ni Divina ang balikat ng anak bago umupo sa tapat nya.
Napakunot ang noo ni Dennis dahil hindi nya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ina. What do you mean Mama?"
"Alam mo naman na wala kaming problema kay Emer and we welcomed her in our family." simula ng kanyang Mama.
Nakakaramdam na ng kakaibang tensiyon si Dennis, parang nahuhulaan na nya ang ibig sabihin ng kanyang ina. Siya naman labas ni Emer mula sa den.
"Kanina ka pa?" bungad ni Emer kay Dennis.
"I just arrived, mukhang enjoy si Mama dito sa bahay mo at alam mo kung paano sya pasayahin." pilit ang ngiti ni Dennis kay Emer at ang huling sinabi nito ay may ibig sabihin.
Nararamdaman ni Emer parang iritado ang boses ni Dennis, hindi pa sya nakakasiguro kung napag-usapan na nilang mag-ina ang tungkol sa naging desisyon. Ngayon pa lamang ay kinakabahan na sya sa maaaring maging reaksiyon ni Dennis pero kinakailangan niyang harapin ito.
"I'll just check kung ready na ang lunch natin, mukhang napagod sa opisina." pag-iwas ni Emer.
"Hijo, ikaw masyado ka. Wala kang kalambing lambing kay Emer, kung nandito lamang ang Papa mo siguradong masesermunan ka." umiiling na sabi ni Divina.
"Mama, I'm just tired." pilit na tinatago ni Dennis ang pagkainis na nararamdaman kay Emer.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.