Chapter 29 part 1
Kinabahan si Emer ng marinig ang sinabi ni Dennis. Tama ang kanyang hinala na may hindi magandang plano ang binata.
"You're right. We need to talk." bulong din ni Emer dito.
Paglingon ni Divina ay nahuli niyang nagbubulungan ang dalawa. Napangiti sya sa nakita at lalong umasa rin ang ginang na tuluyan ng magbabago ang kanyang anak.
Akmang susunod na si Dennis sa loob ng study room ng magsalita si Francis. "Hijo pakifollow-up mo naman kung ano na ang nangyayari sa expansion natin sa Singapore."
"Okay Papa." tumalikod na siya para sundin ang pinag-uutod ng ama.
Iniwan ni Francis na bahagyang nakabukas ang pintuan ng study room para hindi maghinala ang anak na may pag-uusapan silang hindi magugustuhan nito.
"Nasaan po ang mga deisgns?" simula ni Emer ng makapasok na sa study room.
"Maupo ka muna hija." sabay turo ni Francis sa couch na naroroon.
"Actually hindi totoong may pupuntahan kaming party." sabi ni Divina habang palakad lakad sa gitna ng study room.
Napakunot ang noo ni Emer.
"Gusto ka lang talaga naming makausap tungkol sa nangyari kanina." si Francis na ang nagtuloy ng sasabihin ng asawa.
Hindi alam ni Emer ang isasagot sa dalawang matanda, kahit naman nakakainis ang pakikitungo ni Dennis sa kanya ay gusto pa rin niyang protektahan ito sa harap ng mga magulang.
"Hija, talaga bang plano na ninyo ni Dennis na magpakasal?" hindi na nakatiis na tanong ni Divina.
"Actually po nahihiya lang ako sa inyo na sa akin magmumula ang tungkol sa kasal and we wanted to surprise you." nagpapasalamat si Emer na nasabi niya ito ng maayos na hindi nabubulol. Sa kagustuhan niyang pagtakpan si Dennis ay nakapagsinungaling na naman sya sa dalawang matanda.
"I'm confused right now. When I was talking to your son he told me that he doesn't want to get married kaya kanina nagulat ako when he announced about the wedding." umiiling na naisatinig ni Francis.
Samantalang si Dennis naman ay napahinto sa pagpasok sa study room ng marinig ang sinabi ng ina.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.