Chapter 51 part 2

109K 2K 111
                                    

Chapter 51 part 2


Kasalukuyang nagpapahinga sa master's bedroom sina Gerardo at Eliza ng makarinig ng sunud-sunod na kataok. Si Eliza na ang tumayo para alamin kung ano ang kailangan ng kumakatok.

"Diday, bakit?" tanong ni Eliza ng mapagbuksan ang katulong.

"Ma'am, may mga bisita po kayo." anunsiyo ng kasambahay ng mga Ignacio.

Napakunot ang noo ni Eliza dahil wala silang inaasahan na bisita ngayon. 

"Pinapasok ko na po sila ma'am, nasa sala po sina sir Dennis." patuloy na sabi ni Diday.

"S-Si Dennis nandiyan?" hindi makapaniwala na sabi ni Eliza.

"Yes ma'am, kasama niya rin po ang kanyang mga magulang." 

Nagmamadaling bumalik sa loob ng kwarto si Eliza para ibalita sa kanyang asawa. 

"Gerardo! nasa baba ang mga.." halos hindi makapagsalita si Eliza. Namumula sya sa galit.

Napatayo rin si Gerardo at nilapitan ang asawa. "May problema ba?" 

"Ang mga Almonte nasa ibaba. Ang lakas ng loob nilang pumunta dito!" nanggigigil sa galit si Eliza. 

"Kung hindi mo sila kayang harapin ako ang bahalang makipag-usap sa kanila. Dito ka lang at ako ang bababa." napaka kalmado ng tinig ni Gerardo.

"Ikaw na ang bahala sa kanila dahil hindi ko kayang makipag-usap kay Divina. Ayokong makapagbitaw ng mga hindi magagandang salita sa kanila." tinalikuran na ni Eliza ang asawa. Nagtungo siya sa terrace para makasagap ng hangin at para pakalmahin na rin ang sarili.

Naabutan ni Gerardo sina Dennis at ang mga magulang nito sa sala. "Dennis, ano ang ibig sabihin nito?" malamig na tanong ni Gerardo sa manugang.

"Nandito po kami para ipaliwanag kung bakit hindi ako agad nakabalik." kinakabahan si Dennis ng mga sandaling yun. Kakaiba talaga sa kanya ang dating ng papa ni Emer. "P-Papa meet my parents Francis and Divina Almonte." pagpapakilala ni Dennis.

Ipinakita pa rin ni Gerardo ang kagandahang asal sa harap ng mga Almonte, nakipagkamay siya sa mga ito. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang kapakanan ng kanyang magiging apo. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon