Chapter 9

167K 1.9K 37
                                    

A.N.

Maraming salamat po sa paghihintay nyo ng UD. 

Please vote and leave your comments po :)

Chapter 9

Maaga pa lamang ay busy na ang mga tao sa mansion ng mga Almonte lalong lalo na si Divina.

"Ma, good morning.." May pagtataka sa mukha ni Dennis ng humalik sa ina.

"Gooood morning tito.." Lumapit ang dalawang anak ng kuya niya sa kanya at lumambitin sa hita niya.

Binuhat niya ang mga ito at pinagkikiliti. Napuno ng tawanan ang buong living room at ng mapagod na ang mga bata ay pinakawalan na niya ang mga ito.

"Ma, kakaiba ang mga ngiti mo. I smell something?" Inakbayan pa ni Dennis ang ina at dinala sa adjoining door ng living room papunta sa terrace.

"I'm just happy." nakangiti pa rin ang ginang.

"Ma, before I forgot, sino ang kasama ng mga bata? nandito ba sila kuya?" 

"Yes, they just arrived 30 minutes ago. We invited them para sa dinner natin." 

"Ma! from Bacolod to Manila you invited them para lang sa dinner natin mamaya?" hindi makapaniwala sabi ni Dennis.

"Of coursse this is a family dinner para makilala din nila ang fiance mo. Baka naman gagawa ka n naman ng dahilan para hindi matuloy ito?" pinanlakihan ng mga mata ni Divina ang anak.

"Don't worry Ma, tuloy ang dinner at susunduin ko si Emer ng 7:00 o'clock, but please hwag nyo namang takutin ang girlfriend baka bigla akong iwanan nun." pagpapaalala niya sa ina.

Natawa ang ina sa sinabi ng anak. "I think you're serious with this girl. I'm excited to meet here para alamin kung anong meron siya at tumino ka." 

Umiling na lamang si Dennis. Bigla siyang kinabahan ng maisip si Emer, sana naman ay hwag ng umatras ito sa usapan nila. Kung kinakailangan na lumumuhod sya sa harapan nito para lang sumama sya sa kanya. 

"Ma, may aasikasuhin lang ako sa bank, magkita na lang tayo sa dinner mamaya." 

Hindi pa nakakatayo si Dennis ng biglang dumating ang kuya niya. 

"Hey bro, I was surprised ng sabihin ni Mama na may fiance ka na raw." hindi pa rin makapaniwalang sabi ng kuya niya.

"Later you'll meet her kuya. Alis muna ako." nakangiting tinapik niya sa balikat ang kapatid.

Kailangan niyang matransfer agad agad sa account ni Emer ang 20 million para hindi na makaatras ang dalaga sa usapan nila. 

Pagkatapos ni Dennis sa bank ay hindi niya namalayan na papasok na siya sa subdivision kung saan nakatira si Emer. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon