Chapter 49 part 1
Tahimik na nakaupo si Emer sa garden habang pinagmamasdan ang mga tauhan nila. Kasalukuyang nilang pinaparenovate ang landscape ng villa. Mahigpit na bilin ito ng kanyang ate Emily bago bumalik ng Canada.
"Hija, kanina pa kita hinahanap." nakangiting bati ni Eliza sa anak. Inilapag nito ang dalang pagkain. "I baked it for you." sabaykindat nito kay Emer.
Nang makita ni Emer ang laman ng tray ay sumama ang mukha niya. "Mama, I don't like the smell." sabay takip nito sa ilong. Napapansin ni Eliza nitong mga nagdaang araw ay naging maselan sa pagkain ang anak, ang mga dati nitong gusto ngayon ay inaayawan na nito.
"Huh?, wala namang problema sa amoy." sabay dampot ni Eliza sa tray. "Dati rati tuwing magluluto ako ng lasagna nakikipag-agawan ka sa ate mo." naghihinala na si Eliza.
"Basta hindi ko gusto ang amoy Mama." nagmamdaling tumayo si Emer habang tutop ang kanyang bibig. Kanina pa niya nararamdaman na parang may humahalukay sa sikmura niya pagkakita lamang sa pagkaing dala ng ina.
Nagmamadaling sinundan ni Eliza ang anak at natagpuan niya ito sa loob ng banyo sa kwarto nito. Kitang kita niya ang paghihirap ng anak habang nakayuko ito sa lababo. Nilapitan ni Eliza si Emer at marahang hinagod ang likod habang patuloy sa pagsusuka.
Umayos ng tayo si Emer kahit hinang hina ang pakiramdam. Halos tatlong araw na siyang ganito hindi lamang niya masabi sa mga magulang dahil nahihiya siya sa mga ito.
"Anak, are you pregnant?" malumanay na tanong ni Eliza habang inaalalayan na makaupo si Emer.
"Mama, I don't know. Natatakot ako." yumakap si Emer sa ina.
"Sshh.. everything will be fine. Dapat maging sure tayo sa kalagayan mo, sasamahan kitang magpa check-up." pang-aalo ni Eliza sa anak.
"W-what if I'm pregnant? anong gagawin ko?" parang batang tanong ni Emer sa ina. Naaawa siya sa magiging anak dahil wala itong magigisnang ama, at dahil sa doon ay napaiyak si Emer.
"If you're pregnant of course I'll be happy kasi magiging lola na ako. Stop crying makakasama sa apo ko yan." kahit na naaawa si Eliza sa anak ay hindi niya pinapahalata dito.
"Mama, hindi pa naman tayo sigurado." nakalabing sabi ni Emer.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.