Chapter 15

167K 1.7K 55
                                    

A.N.

Next ud po baka sa weekend na, busy na po ang inyong lingkod ^ ___________ ^

Please vote and leave your comments :) Thank you guys...

_______________________

Chapter 15

Ngayon ang family vacation ng mga Almonte, maagang gumising si Emer dahil medyo malayo layo rin ang Batangas at for sure mapapalaban ang kanyang driving skill. Nagulat din sya na sa isang private Island pala ang destinasyon nila at ang sabi sa kanya ni Dennis ay may maghahatid sa kanilang yate papuntang Maricaban Island. 

Pagbaba ni Emer sa living room ay inabutan nyang umiinom ng kape si Dennis. "What are you doing here?" nakakunot ang noo ni Emer.

"Sinusundo ka, may private chopper na maghahatid sa atin sa Island. Kung iniisip mong magdadrive ka sweetheart, kahit na ang yate na maghahatid kina Mama sa isla ay hindi mo maabutan." paliwanag ni Dennis.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" nakukunsuming sabi ni Emer. Noong isang araw ay magkausap lang sila sa telepono at panay pa ang bigay ni Dennis ng idirection kay Emer kung paano papunta sa Tingloy Batangas kung saan maghihintay ang yate para sa kanila.

"Because I'm tired arguing with you lady. Kung ready ka na aalis na tayo." sabay tingin ni Dennis sa travelling bag ni Emer sa tabi ng hagdan. 

Tahimik na lamang na sumunod si Emer kay Dennis sa kotse nito. Pinangako ni Emer sa sarili na hindi nya kakausapin ang mayabang na lalaking ito unless na ito ang magsimula ng conversation. 

"Alam mo hindi ako sanay na tahimik ka, I think you're thinking something to get even to me." nang-aasar na sabi ni Dennis habang nagmamaneho.

"Hwag mo akong simulan, I'm not feeling well kaya wala akong panahon makipaglokohan sayo." nanggigigil na naman si Emer at habang nagsasalita ay nakadungaw ito sa bintana kaya hindi nya napansin na tinapunan sya ni Dennis ng masuyong tingin. 

"Bakit hindi mo sinabi kanina na masama pala ang pakiramdam mo? sana hindi na tayo tumuloy. May dala ka bang gamot mo?" hindi na rin naiwasan ni Dennis na isatinig ang nararamdamang pag-aalala.

"Ayoko namang magtampo ang Mama mo, once I said yes hindi na magbabago yun kahit magkasakit pa ako." isinandal ni Emer ang ulo sa headrest at ipinikit ang mga mata. Hindi nya kayang ipaliwanag ngayon ang nararamdaman dahil sa pag-aalala ni Dennis. 

Hindi namalayan ni Emer na nakatulog siya. Nasa basement na sila ng Almonte's Building pero hindi pa rin ginigising ni Dennis ang dalaga, matagal nyang pinagmasdan niyang pinagmasdan si Emer habang natutulog. "Napakaganda talaga nya pero kailangan kong kontrolin kung ano man ang nararamdaman ko. I'm just using her to solve my problem." paalala ni Dennis sa sarili.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon