Chapter 6

174K 2K 74
                                    

A.N.

Thank you po sa mga votes and comments :) 

Chapter 6

Almost two months na ang lumipas, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakagawa ng paraan ni Emer para madagdagan ang kanyang capital sa itatayong negosyo. Aburido syang nakaupo sa living room habang nag-iisip ng paraan. Matagal na siyang natutuksong tawagan ang Dennis Almonte na yun pero nananaig pa rin ang pride niya. 

Nabulabog ang pag-iisip niya ng mag ring ang telepono sa kanyang tabi. Matamlay niya itong dinampot. "Hello.." walang kabuhay buhay na sagot ni Emer.

"Emer, what's wrong? mukhang may problema ka?" sunud- sunod na tanong ni Emily sa kabilang linya.

"Ate, mabuti napatawag ka?" hindi pinansin ni Emer ang tanong ng kapatid dahil wala na rin siyang planong ipaalam dito ang kanyang problema.

"I need your help sis."  nagpapaawang sabi ni Emily.

"huh?, tungkol saan ate?" biglang naging concern si Emer para sa kapatid.

"Do you still remember my bestfriend? si Althea Salvador?"

"Yes of course, why?"

"Kailangan mo siyang maitakas sa asawa niya, iuwi mo muna sya dyan sa bahay. Then later na tayo gagawa ng next plan."  may pagmamadaling sabi ni Emily.

"Okay, ako na ang bahala dun ate but make sure na hindi ako madadamay dito." medyo kabadong sabi ni Emer.

"Basta mag-ingat ka dahil maimpluwensiyang tao ang asawa niya. Mag-ingat ka rin kay Dennis Almonte bestfriend yun ng asawa ni Althea, dapat malaman mo kung sino ang mga taong related kay Gabriel Monteverde para makaiwas ka." pagbibigay instructions ni Emily sa kapatid.

Nang marinig ni Emer ang pangalan ni Dennis ay kinabahan siya. Napakaliit talaga ng mundo dahil sa ayaw at sa gusto niya magkakaharap pa rin sila nito sa mga dararitng na araw. 

"Emer naiintindihan mo ba ang mga instructions ko?" muling sabi ni Emily sa kabilang linya.

"Yes ate, ako na ang bahala." 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon