Chapter 25 part 2
Pagkaalis ni Emer ay agad na pinapunta ni Divina ang anak sa study room. Awang awa sya sa hitsura ng dalaga kaya hindi niya palalampasin ng kalokohan ng anak.
"Mama, I'm tired pwede bang bukas na lang tayo mag-uusap kung tungkol lang yan kay Emer." sabi ni Dennis pagkapasok na pagkapasok sa study room.
"Francis, narinig mo ang anak mo? Kausapin mo yan dahil baka kung ano ang masabi ko na hindi niya magugustuhan." baling ni Divina sa asawa.
Iniwan ng ginang ang mag-ama para ang kanyang asawa ang kumastigo sa kalokohan nito.
"Sit down hijo." malumanay ang boses ni Francis.
Agad namang tumalima si Dennis dahil kinaabahan siya sa kanyang ama kung ganitong klaseng approach na ang ginagamit.
"Hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina." simula ni Francis. Tinanggal nito ang kanyang salamin at tinitigan ang anak.
"Papa, let me explain. Ang Mama ayaw makinig sa explanation ko." parang nahahapong isinandal ni Dennis ang ulo sa headrest ng inuupuang sofa.
"Okay, simulan mo ng magpaliwanag at siguraduhin mong magugustuhan ko ang maririnig ko." hindi rin sang ayon si Francis sa kalokohan ni Dennis.
"Iniiwasan ko na si Michelle. I was surprised ng ibalita sa akin kanina ni Mama na nandito sya." habang sinasabi ito ni Dennis ay minamasahe niya ang kanyang sintido.
Naisip ni Dennis na mula ng makilala nya si Emer ay puro sakit ng ulo ang dinala nito sa kanya.
"Bakit galit na galit ang Mama mo? she told me na inabutan niya kayong naghahalikan sa living room. Nasaan na ang delicadeza mo?" nagsisimula ng tumaas ang boses ni Francis.
"Papa, sya ang humalik sa akin at hindi ako nakaiwas, yung ang naabutan ni Mama."
Tumatango lang si Francis habang nakikinig sa sinasabi ng anak.
"Ano naman ang nangyari kay Emer? Bakit nagmamdali siyang umalis? May nakita ba siyang hindi dapat?" sunud-sunod nitong tanong.
"Isa pa yan Papa, umaarte lang ang babaeng yun dahil alam niyang pinapaboran ninyo siya ni Mama." inis na sabi ni Dennis.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.