Chapter 20 part 2
"Mabuti naman umalis na sya." Nakasimangot na sabi ni Dennis.
"Ikaw hindi ka pa aalis?" Nakataas ang kilay nito. Nahihirapan minsan si Emer na intindihin ang ugali ni Dennis.
"I'll stay here for a while, umakyat ka na at magrest ka muna. I'll just leave after checking my e-mails but I want to remind you na pagdating ni Mama you should spend time with her. "Pagtataboy ni Dennis sa kanya.
"Okay, pero don't blame me kung may masasabi ako sa kanyang hindi mo magugustuhan. " Pagbibigay ng warning ni Emer.
"Emerald! Don't piss me off." Hindi maipinta ang mukha ni Dennis pagkarinig sa sinabi ng dalaga.
Natatawang tinalikuran na lang ni Emer si Dennis, nakabuo na sya ng desisyon pag nagkaharap na sila ni Mrs. Almonte.
----------------------------------------------
Naiirita si Emer ng walang tigil sa pagriring ang kanyang cellphone. Sino ba naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganito kaaga?. Maysado syang naging busy these past few days, next week ay opening na ng kanyang boutique and she's nervous pati pagtulog nya ay apektado.
Wala sa sariling inabot nya ang kanyang phone sa bedside table.
"Emer, I was calling you kanina pa." Medyo nagpapanic ang boses ni Dennis.
"Oh God! Wala ka bang sense of time?. It's 5:00 in the morning, of course I'm still sleeping." Napabuntong hininga na lang sya, hindi nya alam after nilang mag usap ni Dennis kung makakatulog pa sya ulit.
"My aunt from Seattle called me, umuwi na daw sila Mama and maybe around 7:00 PM nandito na sila." Parang napakalaki ng problema ni Dennis sa pag uwi ng kanyang mga magulang.
"Anong problema dun? I don't understand you, ginising mo ako just to inform me that your parents are coming." Nakakunot ang noo ni Emer habang nagsasalita.
"I'm sure kukulitin na naman nila tayong magpakasal." Naisatinig na rin ni Dennis ang kinatatakutan.
"Wala akong nakikitang problema dun, eh di magpakasal." Sabi ni Emer sabay ng malakas na tawa.
Nang marinig ni Dennis ang sinabi ni Emer ay lalo itong nairita. "Hindi ako nakikipaglokohan Emer."
"Sa tingin mo makakapag isip ako ng maayos sa ganitong kaaga. Alam mo naman na pagod ako sa preparation ng opening ng boutique."
Bigla namang na guilty si Dennis sa sinabi ni Emer. "Hindi ko lang alam ang gagawin ko, parang naging complicated ang situation natin."
"These are the consequences dapat naisip mo yan, wala ka ng magagawa kundi ang sabihin sa kanila ang totoo." Habang sinasabi ito ni Emer ay umaasa sya na humingi na ng tawad si Dennis sa mga magulang dahil sa panloloko nito. Pero may bahagi sa kanyang pagkatao ang biglang nalungkot, nasanay na rin sya sa presence ng binata.
"I can't, alam mo naman ang situation ng Mama." nanghihinang napasandal sa headboard ng kama si Dennis habang hinihilot ang kanyang sintido.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.