Chapter 3
Nanlulumong napaupo sa kanyang kama si Emer, nakausap nya ang kanyang ate Emily at sinabi nitong hindi nya nakumbinsi ang ama sa gusto nyang mangyari. Wala syang magagawa sa ngayon kundi ituloy ang second option nya ang maglayas alam nyang darating ang panahon na maiintindihan din sya ng kanyang mga mga magulang lalo na ang kanyang Papa.
Tumayo sya sa pagkakaupo at mabilis ang mga sumunod nyang kilos. Maayos nyang inilagay sa isang maleta ang mahahalaga nya gamit, narinig nya kanina sa kayang Mama na may dadaluhang party ang mga ito. Malungkot nyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng kanyang silid bawat gamit na makikita doon ay sumisimbolo ng karangyaan, pero hindi ito ang makakapagpaligaya sa kanya. May gusto syang patunayan sa sarili.
Mabuti na lang malaki laki rin ang savings nya, walang kaalam alam ang mga magulang noong nag-aaral pa sya sa America ay nag pa part time job na rin sya.
Nakarinig sya ng katok sa labas ng kanyang kwarto mabilis nyang naitago ang dalwang maleta na nasa ibabaw ng kama.
"M-mama bakit po?" Natataranta nyang bungad sa ina.
"Just checking on you sweetie." Maaliwalas ang pagkakangiti nito.
"I'm okay Ma." pilit nyang pinapasaya ang tinig.
Inalalayan nya ang kanyang ina na makaupo sa couch.
"I know masama ang loob mo sa akin anak dahil hindi man lang kita naipagtanggol sa Papa mo." biglang lumungkot ang tinig nito.
Hindi nakasagot si Emer, hindi sya nagtatago ng damdamin sa ina. Ito ang nagturo sa kanilang magkapatid na dapat hwag silang matakot na iparating kung ano man ang nararamdaman nila.
"Anak we missed you kaya gusto namin ng Papa mo na dito ka na lang sa San Simon kasama namin."
"Sana hindi nyo na lang ako pinag-aral sa America." nakasimangot na sagot ni Emer sa ina.
"Emer, try to understand us."
"Ako ang hindi nyo naiintindihan Mama." namumuo na ang kanya mga luha.
Muli sanang magsasalita ang kanyang Mama nang biglang may kumatok sa pinto, tumayo si Emer para malaman kung sino ang nasa labas.
"Maam, pinapatawag po ng inyong Papa si maam Eliza." sabi ng isa sa mga katulong nila.
Tatawagin nya sana ang ina ngunit namalayan na lamang niya na nasa likod na pala nya ito.
"Hija mag-uusap tayo ulit pagdating namin ng Papa mo." kinabig ni Eliza ang anak at binigyan ng halik sa pisngi.
Tumango na lamang si Emer sa ina. Alam niyang hindi na sila makakapag-usap.
Mula sa terrace ng kanyang kwarto ay hinatid nya ng tanaw ang papalayong sasakyan ng mga magulang. "Sana mapatawad nyo po ako." piping hiling nya ng mga sandaling yun.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.