3

49 0 0
                                    

like her

Yung soulmate natin, hindi natin alam kung kelan natin sila makikilala. Hindi din natin masasabi kung paano. Pero ang isang sigurado ay makikilala natin sila sa panahon at paraang nakatakda at gusto ng tadhana.

Kasalukuyan kong inaayos ang pagkasalansan ng mga libro dito sa Kids section. Isang oras bago ko natapos. Huminga ako ng malalim at napaupo sa sahig, nakakangalay pala. Kahit cashier ako dito, ako na rin ang nag-aayos at nagbabantay ng bookstore. Kumbaga, all around na. Napasandal ako at pinahid ang pawis na tumutulo.

*bzzt

JC sent you a message.

JC
Grace! Free ka ba tonight? Syempre free ka para sakin diba? Wag mo sabihing nakalimutan mo.

Agad akong nagtype para rumeply.

-Happy birthday! :) San ba tayo mamaya?

JC
Hindi ko na inaya yung mga kasama ko sa ospital. Ikaw nalang saka tayo tayo nina Mama. Dito lang sa bahay. Bawal ang late dahil nakakaano na kung late pa ang nag-iisang buwisita.

Natawa ako. Mahal na mahal talaga ko ng bestfriend ko, tinawag pa kong buwisita.

Itinabi ko na ang cellphone ko at sinilip kung may customer ba. Wala pa naman. Tumayo na ako at pinagpag ang pantalon ko. Namili ako ng isang libro para basahin kaya naupo akong muli. Isa itong short fairytale story. "The Girl In The Dress." Pagbasa ko sa title.

Napapangiti ako habang binabasa yon. Kahit ayoko pang gastusin ang pera ko ay binili ko na lamang yon. Tungkol ito sa tadhana. Dahil sa tadhana, ang first love niya pa rin ang pinakasalan niya. Ilang taon na ang nakalipas mula nang huli silang nagkita. Hindi nila inakala na sa isa't isa pa rin ang bagsak nila.

"Happy Birthday!" Masayang bati ko kay JC pagbukas niya ng pinto.

"Aw thank you!" Niyakap namin ang isa't isa saka ako pumasok.

"Hello po Tita, Tito." Pagbati ko sa mga magulang ni JC. "Nasan po si Rina?" Pagtukoy ko sa nakababatang kapatid ni JC.

"Wag mo na ngang alalahanin yong batang yon. Pinabili ko ng coke dun sa tindahan." Sabat ni JC habang umiidap pa.

"Upo ka Grace." Ani Tita.

Munting salo-salo lang, nagtawanan kami habang kumakain. Ang dami ko ngang tawa e. Kapag si JC talaga ang kasama ko, hindi pwedeng hindi ako matatawa. Pagkatapos naming kumain ay naupo kaming dalawa ni JC sa tabing kalsada.

Bata pa lang kaming dalawa ay bestfriends na kami. Medyo lampa ako simula pa noon at si JC yung parating magtatanggol sakin sa tuwing pagtatawanan ako ng mga tao.

Humarap ako sa kanya nang maalala ko ang regalo ko. "Pasensya ka na hindi pa ko nakakabili ng regalo. Dadalhin ko nalang bukas sa osp—"

"Ano ka ba?" Nahihiya niya kong hinawakan sa braso. "Kahit wag na. Hindi ko naman hinihiling na ibibili mo ko ng bagong damit, or di kaya ouch!" Tumatawang siniko ko siya.

"Oo na!"

Napagdesisyunan kong umuwi na nang sumapit ang alas otso. Dala dala ko ang bag na may lamang mga canister, pinadala ni JC na pagkain para kina Kuya. Naglalakad lang ako at hindi na ako sumakay dahil gagastos lang ako ng pamasahe e malapit lang naman. Parang gusto ko lang rin magpahangin muna at makapag-isip isip.

Wala pa kasing nangyayari sa buhay ko. Napaka-ordinaryo ko at paulit ulit lang ang mga nangyayari sakin bawat pagdaan ng mga araw. Ni walang nagkakagusto sakin. Tatanda na yata akong dalaga. 26 years old na ko pero wala pang masayang plot twist ulit ang buhay ko.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon