12

38 0 0
                                    

beautiful

Third Person's POV

Mabilis na lumipas ang oras ngunit para sa apat na magkakaibigan ay tila mabagal dahil na rin sa trabaho nila. Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang mag-hapunan sila kasama si Grace para icelebrate ang pagdating ni Tita Nene.

"Hanggang anong oras ka today?" Air asked Atom. Kasalukuyan silang magkasama sa coffee shop para bumili saglit ng maiinom.

Nagulat si Air nang bigla na lang tumingin sa kanya ang kapatid ng malungkot ang mukha at nakanguso pa. "11 pm."

Mahinang tumawa si Air at inabot ang bayad sa counter. "Thanks."

"Ikaw?" Atom asked him back.

Lumabas sila ng coffee shop na pinagtitinginan ng mga kababaihan. They opened their umbrellas as they walk back to the hospital.

"6pm yata."

"Kainis." Atom snorted.

"Magco-commute na lang ako pauwi. Ikaw na magdala ng sasakyan." Hati lamang sila sa iisang sasakyan dahil ayaw nilang mag-abalang bumili. Isa pa ay gastos lamang ito kung kaya naman nila ng isang sasakyan lang ang gamit.

"Ganyan ang bunso." Atom's eyebrows went up and down as he looked at his wristwatch. "Bilisan mo na maglakad."

Nang sumapit ang alas sais ay nagpaalam na si Air sa mga kaibigan. Hindi niya mahagilap ang kapatid kaya hindi na siya nag-abala pa. Alam naman nito na uuwi na siya ng alas sais para makapag-pahinga.

Iritadong nagpunas ng pawis si Air. Nahihirapan siyang kumuha ng taxi dahil puro may sakay na ito.

"Oh come on." He said when a vacant cab didn't notice him. Sa tingin niya'y hindi siya bagay maging commuter. Plano niyang mag-grab na lang ngunit masyadong mahal ito. Air is a practical type of person unlike his bestfriends.

One more try and he'll give up until a girl just a meter beside him raised her arm and shouted, "Taxi! Taxiii!!!" She kept waving her hand til a cab finally stopped.

"Do I need to shout like that?", he thought.

His forehead creased when the girl faced him while smiling. "Sakay ka na."

Napataas ang kilay ni Air dahil sa gulat. "Seriously?"

"Oo." Tatango-tanong sambit ng babae. "Go."

Air once again looked back to the girl who helped him before closing the cab's door. "Thank you." He casually said. Nanginig ang mga kamay ng babae dahil sa pagkakataong nangyari. Airon Pangilinan just talked to her.

Nang makaalis na ang taxi ay napanguso ang babae. "Akala ko tatanungin niya ko kung gusto ko sumabay." Pagkausap niya sa kanyang sarili. Wala pang tatlong segundo ay napalo niya ang kanyang sarili habang kinikilig. "Oh my gosh. Finally!" She stomped her feet, not caring if people are looking at her. "This is my lucky day! Thank you Loooord!" Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso niya.

Nag-bus lamang siya pauwi dahil siya naman ang nahirapan kumuha ng taxi. Balewala iyon dahil kung para sa first love niya at long time crush niya. At habang nasa byahe ay hindi mawala ang ngiti niya.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon