39

22 2 0
                                    

calls

Kahit malungkot na hindi ko nakasama si Ivan ng Valentine's day at birthday ko noong Feb 17 dahil nasa China siya para sa Chinese New Year, ayos lang naman. Saka, pag-uwi niya sinorpresa niya ko. Sabi niya di pa siya uuwi pero yun pala nasa airport na siya. Halos buong araw kaming magkasama. Kumain kami ng maraming marami, nakailan rin kaming movies sa movie marathon doon sa Lagne Vista. Nag-swimming din kami sa itaas at nang mag-gabi na ay naglakad lakad kami habang nagkukwentuhan.

Ngayon ay March na. Katatapos lang ng recognition nina Kai at Kate sa eskwelahan at galing kami ni Ivan doon noong isang araw. Nakakatuwa lang na nakahanap pa ng oras si Ivan para maisingit yun. Hindi naman kailangan dahil baka maabala pa siya pero sabi niya wala daw problema. Nag-alala ako kasi sabi niya 36-hours ang duty niya ng oras na yun. Mabuti na lang daw at kahit 2 hours siyang late ay nakahabol pa rin siya. Hindi ko naman nahalata yun kasi mukha pa rin siyang bagong ligo. Ang ginawa ko na lang pinatulog ko siya sa bahay kahit iisang oras lang para makapagpahinga siya.

Nandito ako sa Lagne Vista, sa unit ni Ivan mag-isa. Alam ko yung passcode at isa pa, sabi ni Ivan pumunta ako dito anytime lalo na daw kapag gusto ko siyang isurprise sa pag-uwi niya. Loko talaga. Naglinis ako sa kwarto niya saka kusina. Yung mga groceries na pinamili namin noong isang araw hindi pa niya nalalagay sa ref saka sa cabinet kaya ako na lang ang gumawa. Pinagluto ko na rin si Ivan ng kakainin niya mamayang gabi. Maaga siyang uuwi ngayon.

Nagpunta ako saglit sa cr nang maihi ako pero paglabas ko saktong kararating lang niya. Magsasalita pa lang ako nang bitawan niya ang bag niya at yakapin ako. Ibinaon niya ang ulo niya sa may leeg ko pero hindi naman ako nakiliti.

"Oh?" Ani ko.

"Grace..." Tugon naman ni Ivan. Mukhang pagod na pagod siya. Siguro stressful na naman sa ospital. Niyakap ko siya pabalik at tinapik tapik sa likod para icomfort siya.

Gusto ko kahit ano pang nangyayari, gusto ko nandon ako para sa kanya. Kung masaya siya, gusto kong makitang nakangiti siya. Kung malungkot siya yayakapin ko siya pupunasan ko ang luha niya. Tutulungan ko siya kung ano man ang maitutulong ko.

"Congratulations! Nasurvive mo na naman ang araw na to." Nakangiting sabi ko. Alam kong kailangan niya ng encouragement at least sa kahit anong paraan.

"Nakakapagod." Aniya habang hindi pa rin umaalis sa posisyon naming dalawa.

"Isipin mo yun, ilang beses mo na nasabi yan pero nalagpasan mo."

Tumayo siya ng diretso. "Isipin mo yun, hindi ka naman gamot pero naalis mo yung pagod ko." Pagkatapos ay muli akong niyakap at ngayon naman ay nakapatong na ang ulo niya sa ulo ko.

Pinigilan ko ang ngiti ko kahit di niya nakikita. Kunwaring nandidiri ako sa banat niya. Iniayos ko na ang tayo niya para makita ko naman ang mukha niya. Nakasimangot siyang nakatingin sakin kaya ngumiti ako. Gamit ang dalawang palad ko ay nilaro ko ang dalawang mapupulang pisngi niya.

"Ayos ka lang di masakit ulo mo?" Pagkamusta ko sa kanya.

"Tell me hindi ka naglinis dito." Bigla na naman siyang dumiretso ng tayo. Ayaw niya na naglilinis ako dito kasi alam niya raw kung gaano ako kasipag. Mapapagod lang daw ako.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na parang naglalaro ako ng isang sanggol na masyadong matangkad kaya nakatingala ako. "Ang bebe ko puyat na puyat na naman... Oh? Ang cute cute. Nandyan na nga po pala yung hapunan mo po, ok na. Tingnan mo yun oh." Tinuro ko yung glass wall at sinundan naman niya iyon ng tingin. Kumunot ang noo niya dahil siguro wala namang kakaiba doon kaya muli siyang tumingin sakin. Natawa siya ng konti kasi naka-peace sign na ko. "Gutom na ba ang bebe? Anong gustong merienda?"

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon