7

42 0 0
                                    

malayo

Kagagaling ko lang sa salon para pagupitan ang buhok kong medyo humahaba na. Tatlong buwan na din kasi ang nakalipas at nasa balikat ko na ang buhok ko. Ang gusto ko ay maikli lamang gaya ng dati.

Nandito ako ngayon sa ospital para puntahan si JC. Inaamin kong wala talaga akong gagawin dito. Gusto ko lang makita si Ivan at alam kong ang weird non. Ang weird na pumupunta pa ako dito para lang puntahan siya. Hindi ko siya gusto o crush pero ginagawa ko ito.

Paminsan-minsan ko na lang siya nakikita at nagbabatian lang kami sa tuwing nakakasalubong ko siya. Hindi ko pa ulit siya nakakasama.

Nabalitaan ko ding nakulong si Enzo dahil nakipag-away sila ng mga kaibigan niya at may nadisgrasya. Na-comatose yung isa kaya kinasuhan sila ng mga magulang nito. Kaibigan pa din naman ang turing ko sa kanya kaya concerned pa din ako.

Sa totoo lang, minahal ko talaga si Enzo. Sa mga pagkakataon kasi ay hindi niya ko iniiwan mag-isa. Naaalala ko pa dati na sinamahan niya ako noon sa isang singing contest na sinalihan ko. Wala akong ibang kasama noon dahil nasa bakasyon ang buong pamilya ni Kuya Gab. Sobrang kabado ako at hindi ko yata kakayaning umakyat ng stage kung wala akong kasama na titingnan sa audience. Pinili ako ni Enzo kahit kinailangan niyang dumalo sa birthday party ng pinsan niya. Natalo ako at naiyak. Pero nandon si Enzo para punasan ang mga luha ko. Ang pakiramdam ko noon ay mahal niya ako kaya hindi ko inakalang makikipaghiwalay siya sa akin sa ganoong paraan. Na nakakasawa pala ako ayon sa kanya.

Ano ba ang pinaggagagawa niya ngayon at nakipag-away siya? Wala kasi siyang pinagkakaabalahan masyado dahil hindi naman siya nagtatrabaho dahil sa mga paupahan ng mga magulang niya.

"Bakit yata parang ang sweet mo na sakin, ha? Lagi mo na kong dinadalaw." Tinanggap ni JC ang dala kong pagkain para sa kanya. Ngumiti na lang ako at naupo sa tabi niya.

Sinimulan niya na ang pagkain samantalang ako ay pinanood nalang ang mga pasyenteng lumilibot dito sa garden. Nakaupo kasi kami sa isang bench dito sa garden.

"Luto yan ni Ate Pia." Sambit ko. Umidap siya sakin kaya napakunot ang aking noo.

"Di nalang sabihin sakin yung totoo na gusto lang makita si Ivan." Bulong niya na ikinagulat ko. Magsasalita pa lang ako nang unahan ako ni JC. "Oh ano? Kala mo di ko nahahalata noh? Kainis ka iiniintay lang kitang mag-share sakin bruha ka akala ko ba bestest friends tayo?" Dire-diretsong sabi niya.

Napabuga ako ng hangin. "Ewan ko ba. Sigurado akong hindi ko siya crush pero gusto ko siyang makita." Pag-amin ko.

"Sus. Ewan ko sa'yo. Habang maaga pa, alamin mo na kung crush mo ba siya o hindi. Para magawan natin ng paraan—" Pinalo ko siya sa braso. Kung ano-ano kasing pinagsasasabi e. "Joke lang!"

Natahimik kami ng ilang minuto. Lunch break pa ni JC kaya may kalahating oras pa.

"Nakita ko na si Ivan kanina. Sa may hagdan sa lobby. Nagtago na lang ako sa haligi." Pagkukwento ko.

"Sissy." Nilingon ko si JC dahil parang ang seryoso ng boses niya. Kagat-kagat niya ang mga daliri niya habang nakatingin lagpas sakin.

Lumingon ako sa tagiliran ko kung saan siya nakatingin at muntik na kong mapatalon dahil sa gulat nang makita si Ivan doon. Nasa likod niya sina Gio, Air at si Atom. Hindi ako nagmumura pero para yatang gusto kong subukan ngayon.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon