31

32 0 0
                                    

Guys, sorry hahaha pero next update pa pala yung 'in the process of  falling in love'. Lol.

~

she can't

Grace's POV

Pagkatapos magtanghalian ay pumasok muna ako dito sa kwarto para dito na lang manood ng tv. Tumawag din ulit sina JC at Kuya Gab sakin para mangamusta pero parang may weird sa tono ng pagsasalita niya kasi nung tinanong ko kung nahuli na ba sina Laongmanee ay nautal siya. Pero siguro wala lang naman yun kasi hindi naman magsisinungaling sakin si Kuya.

Nagtatago na raw yung lalaking bumugbog kay Ivan kasama na ang tatay niya kaya hinahanap pa sila ng mga pulis. Sana mahuli na sila. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa nila noon kay Ivan. Para din syempre maging ligtas na kami pareho at magbayad na sila sa mga kasalanang ginawa nilang mag-ama.

Lumabas na ko ng kwarto nang mag-alas tres na pero walang tao. Siguro ay nasa kusina ang mga maid. Si Ivan hindi ko alam kung nasan siya. Nang makababa naman ako ng hagdan ay nakita ko siya mula rito sa loob habang hinuhugasan niya ang kotse niya doon sa may gate. Naisipan kong lumabas at lumapit. Naiinip na din kasi ako.

Nakatalikod si Ivan sakin kaya hindi niya nakikitang papalapit ako. Tinanguan ko si Kuya Lando nang ngitian niya ko.

"A-Ano nga ho Ser yung sinabi nyo kanina tungkol kay Ma'am Grace? Nakaisip na ho kasi ako ng payo para sa inyo." Biglang tanong niya kay Ivan na halata ko namang gusto niyang iparinig sakin.

Kumunot tuloy ang noo ko. Ano naman kaya ang pinagsasasabi ni Ivan kay Kuya tungkol sakin? Napaisip ako na baka mamaya galit na siya sakin dahil sinusupldahan ko siya minsan.

Lumunok ako bago unahang magsalita si Ivan. "Ano yung tungkol—" Napapikit ako at hindi agad nakagalaw nang gulat na humarap sakin si Ivan habang hawak hawak ang hose kaya naman basang basa ako.

"Shit." Bulalas niya. "I-I'm so sorry!" Hinawakan niya ang ulo ko at maingat na pinunasan ang mukha ko gamit ang mga kamay niya. Hindi tuloy ako makamulat dahil sa ginagawa niya. Ang ikinaaasar ko lang naman ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagpigil niya ng tawa. Pinagtatawanan niya pa talaga ko.

Nang magawa ko nang imulat ang isa kong mata ay tumambad sakin ang maputi at makininis na mukha ni Ivan na ngayon ay nakanguso dahil pinipigilan niyang tumawa.

"Ivan."

"Sorry. Ikaw kasi e." Nagkamot siya ng batok.

"Tingnan mo to ako pa sinisi. Wala akong intensyon na manggulat e. Basta nagsalita lang ako." Parang bigla yata akong nahiya dahil parang bata yung boses ko.

Natawa si Ivan. "Nabasa ka."

Inihilig ko ang ulo ko habang nakatingala sa kanya. "Siguro nga, Ivan." Sarcastic na sabi ko.

"Ah Ate!" Pagtawag niya kay Ate Rose, yung isang maid. Hindi ko muna sila pinansin dahil naupo ako at pinupunasan ang mukha ko. Yung damit ko basa pati na ang buhok ko. Medyo nakakahiya yun ah, tutukan ba naman ako ng hose. Ang sakit nga sa ilong eh. Ayoko lang sabihin kasi medyo nakakahiya na napasukan to ng tubig.

"Bakit ho, Ser?"

"Pakikuha naman ng towel. Thanks." Tumabi sakin si Ivan pero hindi siya nagsasalita.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon