1

62 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No plagiarism.

~

1023

Destiny. Naniniwala ako sa tadhana. Naniniwala akong may nakalaan para sakin at mangyayari 'yon sa tamang panahon. At naniniwala din ako na may isang taong nakatakda kong makilala na mamahalin ko habambuhay.

Sa mga pangarap ko, hindi ko alam kung lahat sila matutupad kasi baka hindi para sakin ang ilang bagay gaano ko man ito kagustong mangyari. Kung hindi para sakin, hindi para sakin.

Pero may isang tao na kabaligtaran ng mga paniniwala ko ang pinaniniwalaan niya. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang mga sinabi niya noong una ko siyang nakita. Gayumpaman, hindi nagbago ang paniniwala ko.

First year ko sa college noon nang makita ko siya. Accountancy ang kinuha ko. Masyadong malawak ang univeristy namin at hindi rin ako mahilig gumala kaya hindi ako pamilyar. Naligaw ako at napunta ako sa building ng BS Bio. Habang hinahanap ko pa ang daan para makabalik ako sa building namin, natigil ako sa paglalakad nang matanaw ko ang isang matangkad na lalaki. Maputi siya at chinito.

Lumapit pa ako ng konti para mas makita ko siya. Ang ganda ng ngiti niya at ang lakas din ng dating niya. Kahit chinito siya ay hindi mo masasabing cute lang siya dahil napakagwapo niya. Hindi ako ganito na tinitingnan ang mga poging nakikita ko pero ngayon ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Inayos ko ang salamin ko at ang mga dala-dala kong libro bago ako nagkunwaring tumitingin sa bulletin board na malapit lang sa kanya. May mga kasama siyang tatlo pang lalaki at nagtatawanan sila.

"Bahala na. Kung papasa ako, papasa naman ako e. Kung hindi, edi no." Sambit ng isa niyang kasama na mukhang bata sa kanila habang tumatawa.

"Aw are you scared?" Tanong sa kanya ng nakaakbay sa kanya. Medyo may hawig sila sa isa't isa.

"Air, listen to the ace." Nang marinig ko ang boses niya ay tumalikod ako at napangiti. Malagom ang boses niya at bagay sa kanya. Ano kayang pangalan niya?

"Okay here he comes. The great reality guy." Nakangiting sabi nung nakaakbay kay Air.

Sumulyap akong muli sa kanya at hinintay ang sunod niyang sasabihin. "Wag kang umasa sa kapalaran mo. Hindi naman totoo ang destiny na yan. That's just made up for those who don't want to make efforts." Nakuha ng sinabi niya ang buong atensyon ko. "Of course makapasa ang gusto mong mangyari. Then make it happen. If you would just simply do that then you won't have to rely on that what so called destiny."

"In short, magreview ka gago." Tumatawang pang-aasar na naman ng nakaakbay sa kanya. Nagbuga ng hangin yung Air at siniko ito.

"Matalino ka naman gago wag ka ngang mag-drama dyan." Muling pagsasalita niya. Umiwas ako agad ng tingin ng bahagya siyang humarap sa direksyon ko. Nang tumingin akong muli ay nakatingin na siya doon sa pinakamatangkad sa kanilang apat.

"Let's go, time to party." Tinapik noong pinakamatangkad ang balikat niya. Agad silang naghiyawan at mukhang mga excited na. Paalis na yata sila. Sayang naman at hindi ko nalaman ang pangalan niya. Siguro ay tatawagin ko nalang siyang 'make it happen'. Alam kong ang weird pero wala akong ibang maisip. Marami nang kagaya kung chinito ang itatawag ko sa kanya.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon