too important
"Hello!" Ngumiti ako ng malaki kay baby Gray habang buhat buhat siya ni Ivan. "Graaay!"
Narinig kong tumawa si Ivan kaya tiningala ko siya. "He doesn't like you. Ako gusto niya oh."
"Sigurado ka ba? Pero sakin siya nakatingin."
"But he's not smiling." Pang-aasar pa niya.
Sumimangot ako at bumaling na lang ulit kay Baby Gray. "Hindi mo daw ako gusto? Baby..."
"Don't call him baby, Grace. Naman eh." Inilayo niya sakin si Baby Gray. Wala akong ideya kung bakit nag-aastang bata na naman siya.
"Anong gusto mong itawag ko sa kanya? Teenager?" Inosenteng tanong ko.
Kahit nagtatampu-tampuhan siya ay hindi niya napigilan ang tawa niya. Napapikit siya habang nakangiti. "God don't make me laugh. H-Hindi ba ako yung baby mo?"
Bago pa ko magsalita ay sumingit na samin si Gio. "Hey stop that. Pati anak ko pag-aawayan niyo."
Tumawa na lang ako bilang sagot. Ibinalik na ni Ivan si Gray kay Niña. Nandito kami sa bahay nila dahil 2nd month na ni Baby Gray. Tinawagan nila kami para magsalu-salo. Nandito rin si Cien pero wala pa si Air. May tinatapos lang daw sa ospital.
Nagbigay kami ng mga regalo namin para kay baby Gray. Isa lang para sa amin ni Ivan. Naisipan na lang namin na ibili siya ng mga damit na siguro masusuot niya paglipas pa ng ilang buwan. Ang cute cute nga eh.
Habang umiinom ang boys sa may pool ay naiwan kaming mga babae dito sa kusina. Dumating na din si Air kaya naman magana na ulit si Cien.
"Sina yaya na bahala diyan, Grace. Baka pagalitan pa ko ni Ivan." Tumawa siya ng mahina.
Tutal tinatawag kami ni Cien sa sala ay itinigil ko na ang pag-ayos ng mga pinagkainan. Naghugas ako ng kamay bago sumunod sa kanila ni Niña. Si Gray naman ay inihabilin muna sa yaya niya.
"I'm happy that our relationships are healthy. Mature, you know." Nakangiting aniya ni Niña. Inalalayan ko siyang lumipat dito sa sofa. "Naisip ko lang." Matamis siyang ngumiti.
Yung tipong alam niyo sa sarili niyo na hindi lang sa isa't isa umiikot ang mundo niyo. Na imbes na magalit o magduda ay susubukan munang intindihin. Para sakin, mature nga ang ganon.
Paglipas ng dalawang araw ay dumalaw si Ivan dito sa bahay. Free daw siya buong araw.
"Dapat nagpapahinga ka ngayon. Ayos lang naman sakin." Ani ko. Nakaupo kami ngayon dito sa kama ko at nanonood ng tv. Inaamin ko na medyo awkward kasi nasa kama kami at dadalawa lang kami pero siguro hindi naman ako dapat mailang kaya ayos lang.
"So you don't wanna see me."
"Sira. Pagod na pagod ka oh."
Sumandal siya sa braso ko at niyakap ito. "Oo nga. Magpapahinga nga ako." Patay malisya niya namang sagot sabay higa.
Nagulat ako kasi nahila niya ako kaya pareho na kaming nakahiga. Pumikit siya at hinigit ako sa bewang papalapit sa kanya. Hindi ako umiimik kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Nararamdaman ko kasi ang mga paru-paro sa tiyan ko. Hindi sila mapakali.
![](https://img.wattpad.com/cover/90481219-288-k892918.jpg)
BINABASA MO ANG
See You Someday [ON-GOING]
RomanceDo you believe in destiny? Or do you believe that you make your own story? "To my soulmate, see you someday." -Grace "To you A, see you someday." -Ivan