30

35 0 0
                                    

sumabit

Kung hindi dahil sa nakasalalay ang buhay namin ni Ivan, hindi sana ako nandito kasama siya. Kasi lumayo ako sa kanya mula nang malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Pinipilit ko ang umakto ng normal para hindi niya isipin na apektado pa din ako pero bakit may parte sakin na nagpapasalamat pa na masaya pa ko na naging delikado ang buhay naming dalawa kaya nakasama ko ulit siya?

"Grabe ang layo naman nito, Ate Grace." Pagod na pagod na humiga si Cien sa tabi ko. Nandito kami sa kwarto ko dahil sabi ko share na lang kami para naman hindi boring mamayang gabi bago matulog. Si Ivan at Air naman ay magbubukod pa din ng room dahil hindi raw sanay si Air nang may katabi sa kama. Bukas pa sila aalis ng tanghali kasi masyadong hassle kapag uuwi din agad sila ngayong gabi.

"Oo nga e. Pero di ko alam kung ilang oras kami bumyahe ni Ivan kahapon."

"7 hours, te. Bale 9 hours kaming bumyahe kasi may mga stop over pa. Pero ayos lang naman sakin at least kasama ko bebe ko." Kinikilig siyang nagtakip ng mukha kaya tumawa ako. Pinalo pa nga niya ako sa braso e.

*knock knock*

Sabay kaming lumingon sa pinto nang bumukas ito.

"Hey." Si Air. "What do you want for dinner? Van's cooking."

Tumaas ang dalawa kong kilay. Si Ivan nagluluto? Noong isang buwan lang bago mangyari ang 'gabing yun' ay nagra-rant siya sa akin na hindi raw siya makapagprito ng hotdog ng walang sunog.

"Kahit ano na." Nakangiting tanong ni Cien pagkatapos ay tumingin si Air sakin at binigyan ako ng nagtatanong na tingin.

"Kayo na bahala." Sabi ko.

Pagkatapos ng halos isang oras ay tinawag na ulit kami ni Air. Nagpalit muna ako ng pullover bago ako lumabas. Medyo malamig din kasi gabi na. Andami pa namang mga puno sa paligid tapos may lawa pa. Mas nakakadagdag sa lamig.

Mula rito sa itaas ng hagdan ay nakita namin agad ni Cien yung dalawa na nakatayo ng diretso sa magkabilang side ng hagdan sa ibaba na parang nakaabang. Mukha silang mga prinsipe o nag-iimagine na naman ako? Para kasing saglit na tumigil ang mundo ko nang makita ko siyang nakangiti ng maliit habang nakatingin sakin at naghihintay sa baba.

Sabay na kumunot ang noo nilang dalawa tapos nagkabanggaan pa sila dahil nagpalit sila ng pwesto kaya ang nakaabang na sa akin ay si Ivan.

"Here come the princesses." Sambit niya.

Nakangiti ng malaki si Cien kay Air samantalang ako ay hindi alam ang irereact. Bahala na kung ano ba ang itsura ko ngayon. Nang malapit na kami sa huling baitang ng hagdan ay inalalayan kami ng dalawa.

Dito pala sila sa poolside naghanda ng dinner. Tutal medyo malamig ng konti at hindi naman daw mahamog ay dito na lang. Tinulungan daw sila maghain ni Ipeng pero pumasok na daw ito sa kwarto nila.

"Ikaw daw nagluto?" Walang emosyong tanong ko kay Ivan. Imbes na sumagot siya ay tumawa lang siya kaya sumabat na si Air.

"Well as you can see, inihaw lang yung pagkain. What I meant was Ivan grilling. Si Manang yung nagtimpla."

Natawa ako ngunit itinago ko na lang. Naupo na kaming apat dito sa bilog na table. Inabutan ko ng pinggan at kutsara't tinidor si Ivan at kinuha naman niya ito.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon