4

43 0 0
                                    

bagay

"Tapos na po ang banal na misa, palakpakan natin ang Panginoong Diyos."

Tumayo ako at pumalakpak pero hindi muna ako umalis sa pwesto hangga't nasa altar pa din ang pari. Ako lang ang nagsimba ngayon at hindi kasama sina Kuya Gab dahil may PTA meeting sa school nina Kate at Kai.

"Grace!" Pagtawag ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Enzo na may kasamang babae. Ngiting-ngiti sa akin yung babae tapos naglakad sila papalapit sakin.

"Bakit?"

"Babe, this is Grace, my ex. Grace, si Sofia, girlfriend ko." Kaswal niyang pagpapakilala samin.

Paano niya nagagawang maging komportable ng ganyan na halatang nang-iinis lang siya? Hindi ko malaman kung bakit nagustuhan ko siya gayong ganito pala ang ugali niya. Siguro'y peke lang lahat ng mga pinakita niya sa akin dati.

"Hello!" Bati sakin ni Sofia at ngumiti nalang ako. Bumaling siya kay Enzo at tumawa ng mahina. "Kaya naman pala boring e. Sa itsura palang ang manang na." Bulong niya na ikinatawa ni Enzo. Halatang ipinarinig niya sakin yon. Dito pa talaga sila sa simbahan gagawin sakin to pero siguro nga'y mukha akong manang.

"Sof, don't be like that. Mabait naman si Grace e." Sagot sa kanya ni Enzo. "Yun nga lang walang kwenta." Tumawa silang dalawa.

Nagsimulang manginig ang mga labi ko at nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. Walang kwenta? Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila. Hindi dapat ako magpa-apekto pero iyakin nga yata talaga ako.

Agad kong kinuha sa bulsa ko ang mp3 player ko at dali-dali kong sinalpak yung earphones sa tenga ko. Pinindot ko ang play button at agad akong nakarinig ng masayang kanta.

Kumunot ang noo ni Enzo at Sofia sakin. Si Sofia ay lumapit ng isang hakbang sakin at nagsalita. "Weirdo."

"Kinakausap ka namin Grace tapos mambabastos ka?" Nakangiting tanong ni Enzo. Sasagot sana ako nang may tumabi saking lalaki at humarap kay Enzo.

"Sinong bastos?" Masama ang tingin nito kay Enzo. Kahit naka-earphones ako ay dinig na dinig ko ang sinabi niya.

"Ivan." Mahinang sambit ko at inalis ang earphones sa tenga ko.

Hindi siya tumingin sakin at nagsalita ulit. "You're in a church and you'll do this to her? Labas muna kayo saka mo siya bastusin. I'll come and call you an asshole. Hindi ko pa magawa dito e."

Umigiting ang panga ni Enzo at halatang nagpipigil. "What did you just say?"

"Don't make me repeat it." Prenteng sagot ni Ivan habang inilalapit ako sa kanya.

"Let's go na, babe." Pagtawag ni Sofia kay Enzo at hinila na siya.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay humarap ako kay Ivan. Ngumiti siya sa akin kaya hindi ako agad nakapagsalita. N-Nakakatameme.

Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ko. "Long time no see."

"Ah, long time no see." Sagot ko. "Thank you."

Ilang buwan na din ang nakalipas simula noong nakita ko silang apat sa labas ng restaurant. Pagkatapos non ay hindi ko na sila nakikita. Pero pag may nakikita akong kotse na kagaya ng sa kanila ni Gio ay iniisip kong sila iyon.

"Pauwi ka na? Baka nasa labas lang yung dalawang yon sabay ka na sakin." Prenteng pag-aaya niya.

"Ha? Kahit wag na. Ok lang." Pagtanggi ko.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon