9

27 0 0
                                    

maging kami

Third Person's POV

"1st year pa lang natin sa residency. Kung sa bagay kesa sa mga pasyente kayo gumawa ng problema, bakit nga ba hindi na lang sa kung ano-ano." The other boys heaved a sigh as their oldest man nags again. "Alam kong pikon na pikon na kayo sa Janus na 'yon pero wag nyo nang patulan."

"Atom kadiri wag nga." Naiinis na bulong ni Air. Sa isip niya ay maitutulak na niya ang kapatid niya dahil sa pagsandal nito sa kanyang balikat. May mga pagkakataon talagang mas bata pa umasta ang kuya niya kaysa sa kanya.

"Sorry na Gio." Nakangusong sambit ni Atom habang umaayos ng upo.

Nasa loob sila ngayon ng office ni Gio at bilang kuya ay kailangan niyang pangaralan ang mga kaibigan niyang tinuturing na niyang tunay na mga kapatid.

"Ivan speak up." Pagsasalitang muli ni Gio. "Muntik mo nang suntukin si Janus sa harap ni Director." Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Ivan sa kanya na parang inip na inip.

"He was badmouthing you." Walang gana nitong sagot na ikinagulat ni Gio. Hindi niya inaasahang iyon pala ang dahilan kung bakit muntik nang makipag-away ang mga kaibigan sa kapwa nilang doktor. Ivan crossed his legs as he nonchalantly leaned back.

He would do anything for Gio. This kind of situations is the least he can do at walang wala compared to what Gio did and sacrificed for him years ago.

"Narinig namin siyang sinisiraan ka sa mga seniors." Pagdugtong sa kanya ni Air.

"Oo nga." Natatawang sambit naman ni Atom dahil wala siyang ibang masabi.

Hindi na bago sa kanilang apat ang ganitong mga sitwasyon kaya walang ilangan o anuman ang nangyari pagkatapos. Sabay sabay silang kumain ng tanghalian sa restaurant sa labas ng ospital.

Pumapasok pa lamang sila ng ospital para bumalik sa trabaho nang nagmamadali siyang tinawag ng isang nurse.

"Doctor Xi, may emergency po. Pinapatawag po kayo ni Doctor Eguaras." Aniya.

"Who's the patient?" Ivan asked.

"Si Mr. Danilo Valleroso po Doc."

Mabilis na inabot ni Ivan kay Atom ang hawak na mineral water at mabilis na sumama sa nurse. Marahil ay kakailanganin na naman nilang magsagawa ng operasyon para sa matandang pasyente na matagal na nilang ginagamot sa ospital.

"You surgeons! Baka naman iwan niyo kami ni Air sa gitna ng mga gimik natin." Atom told Gio while on the way back to their work.

"What would you expect?" Air agreed as he grabbed Ivan's bottled water from Atom and drank it.

"Patients are patients." Gio simply answered.

Umabot ng dalawang oras ang operasyon at masaya naman si Ivan na tagumpay ito. Bahagya lamang siyang nalulungkot dahil aware siya na hindi na rin tatagal ang matanda. Mabuti na lamang at may kaya ang pamilya niya nito dahil nasusuportahan ang mga gamot at operasyon.

"May potential ka, Doc. Keep that up." Pagpuri sa kanya ni Dr. Eguaras bago ito umalis. Si Ivan kasi ang nakaisip kung ano ang dapat gawin nang muntik nang maging komplikado ang operasyon. He also explained why they should do that even though it was too risky.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon