42

13 0 0
                                        

fucking great

Grace's POV

"Hija, naku po ayos ka lang ba?" Tanong ng isang matandang babae na nakasalubong ko paglabas ko ng Lagne Vista. Tumungo ako at sinabing ayos lang ako saka nilagpasan siya.

Nanghihina ang katawan ko pero wala ito sa isip ko. Mas iniisip ko si Ivan. Hindi niya ko pinagbuksan ng pinto marahil ay galit na siya sakin. Kasalanan ko naman eh, alam ko yun. Ngayon sising-sisi ako. Masyado rin akong naging emosyonal. Hindi ko man lang inisip kung ano na bang nagagawa ko. Gusto ko sanang manatili doon sa labas ng pinto niya para hintayin siya pero tinawagan na ako ni Kuya Gab. Nagpumilit pa ako pero kinumbinse niya ako na hayaan ko raw muna si Ivan.

Pag-uwi ko ay sinalubong ako ni Kuya sa sala. Hindi ko na napigilang maiyak muli nang malungkot niya akong tingnan. Kinwento ko sa kanya ang nangyari kanina. Ang sabi niya sakin, sigurado naman daw siya na naiintindihan ako ni Ivan. Siguro nasaktan lang daw si Ivan pero hindi raw siya galit sakin. Hindi ko alam kung paano ako maniniwala. Mas pinapangunahan ako ng takot ko.

Nagpaload ako at sinubukan kong tawagan si Ivan pero hindi siya sumasagot kaya minabuti ko na lang na mag-text.

Dr. Ivan <3
-Nasan ka? Pupuntahan kita. Sorry Ivan :( Sana kausapin mo ko.

Sa sobrang lungkot na nararamdaman ko, hindi ako makatulog. Nagising na lang ako na umaga na. Agad kong binuksan ang cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang text galing sa kanya na kanina lang umaga niya sinend.

Dr. Ivan <3
I'll go to you instead. May tinatapos lang ako dito sa emergency room.

"Nasa ospital siya."

Mabilis akong nagbihis at nag-toothbrush at hilamos. Hindi na ko naligo pa dahil kailangan kong magmadali. Siguro may oras pa si Ivan ngayon pero baka mamaya wala na. Lalo na at full-time ang trabaho niya. Hindi ko na naalala pa ang pagkain ng almusal dahil sumakay na ako agad ng tricycle nang sakto na may dumaan. Kung magje-jeep ako ay lalakarin ko pa palabas ng barangay at maghihintay pa ko.

Sa sitwasyong ito, siguro kung ibang lalaki inaway na niya ko o di kaya iwan ako. Pero si Ivan, mas pinili niyang puntahan pa rin ako kahit na may nagawa akong mali sa kanya. Kapag may tampuhan o di kaya nagtatalo kaming dalawa, mas pinipili niya ang hindi magsalita ng masama tungkol sakin. Hindi niya ko iniinsulto. Kapag hindi siya nakakapagpigil magalit, humihinga siya ng malalim at kalmado akong kinakausap. Napakaswerte ko sa kanya. Sana maging deserving ako.

Siguro kagabi, kinailangan niya lang huminga kaya hindi niya sinagot ang mga tawag ko.

Nagtungo ako sa may nurse station kung saan madalas naroon si JC.

"Bessywap." Nagulat siya nang makita ako. "Ok ka na ba?"

"Nakita mo ba si Ivan?" Tanong ko na hindi pinansin ang pagkamusta niya.

"Hindi eh. Pero teka, ayos ka na ba?"

Alam ni JC ang tungkol sa nangyayari. Pagkatapos ng duty niya ay pinupuntahan niya ko sa bahay nitong mga nakaraang araw.

"JC. Kailangan kong makita ko si Ivan eh." Naiiyak kong sabi. "Hindi ako magiging okay hangga't hindi ko siya nakakausap."

See You Someday [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon