16

37 0 0
                                    

single

Muling tumunog ang telepono ni Grace. Inakala niyang mula kay Ivan ang text ngunit galing na pala ito sa kanyang kuya Gab.

Kuya Gabriel
Grace pakisuyo si Kuya. Mago-overtime lang ako hindi ako agad makakauwi e baka magsara na yung hardware. Kunin mo yung binili ko kahapon, nabayaran ko na yon.

Grace gulped. "Hardware?"

Kuya Gabriel
-Saang hardware kuya?

Ipinagdasal na niyang hindi sa hardware na pagmamay-ari nina Enzo ang tinutukoy ng kapatid niya.

Kuya Gabriel
Don sa gago mong ex. Sorry na hahaha wala naman siguro siya ngayon doon e. Hindi ko siya nakita kahapon.

Napanguso siya at sinabunutan ang sarili. Alam naman ng kuya niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Enzo pero inutusan pa rin siya nito. Tamad na tumayo si Grace at nagpalit ng tsinelas. Ano pa ba ang magagawa niya?

Nang makababa siya ng tricycle ay tinitigan niya ang harapan ng hardware shop. Naalala niya ang araw na tinulungan niya ang pamilya ni Enzo sa pagtinda dahil anniversary sale nito. Naging masaya ang araw na iyon para sa kanya. Isa pa ay ramdam niya na tanggap siya ng mga magulang at mga kapatid ng dating kasintahan.

"Grace." Hindi inaasahan ni Enzo ang pagdating nito. Ipinasa niya sa isang tauhan ang ginagawa niyang pag-asikaso sa customer saka nilapitan si Grace.

"Kukunin ko lang yung binili ni Kuya kahapon." Pinilit niyang magsalita ng diretso. Sa tingin naman niya'y nagawa niya dahil nagawa niya ring tumingin ng diretso kay Enzo.

"Ah, teka lang." Enzo smiled like the way he used to. Grace felt a little cheered up because of it but she knows that it's off-malice this time. "Upo ka muna." Sinunod niya ang sinabi ni Enzo. Naisip niya na kahit hindi maganda ang huling pagkikita nilang dalawa, ngayon ay mabait na ulit sa kanya ang lalaking minsan ay minahal niya. Masakit para sa kanya ang ginawa ni Enzo ngunit wala naman siyang ibang magagawa kung hindi ang mag-move on.

Nang bumalik na si Enzo ay agad rin siyang tumayo. "Nabayaran na diba?" asked Grace.

"Oo." Inabot ni Enzo ang paper bag.

"Sige, salamat." Paalam ni Grace ngunit bigla siyang hinawakan ni Enzo sa kamay dahilan para tumigil siya. She turned to him but Enzo's not speaking. "Bakit?"

"Grace pwede ba tayong mag-usap?"

Sa labas lang ng hardware shop pinili ni Grace na doon sila mag-usap. Kahit walang ideya ay pumayag siya dahil sa tingin niya ay wala namang masama doon.

Grace suddenly felt shy because of the way Enzo looks at her. She regretted that she agreed to have a talk with him. She doesn't even know now where to look at. It's too awkward to look at Enzo, she thinks.

"Grace." Enzo called. "Gusto ko mag-sorry sa'yo."

Dahan-dahang tumingin sa kanya si Grace. She obviously didn't expect him to say sorry.

"P-Para san?" Grace acted normally.

"For hurting you." Enzo briefly answered.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon