6

49 0 0
                                    

Hey loves! Please follow me on my new twitter account at @deborjaalexa. Twitter locked my account again for the nth time so I made a new one. Send me dms anytime, we can be friends hehe.

~

magkaibigan

Nandito na kami ngayon sa reception. Mga nurses ang kasama namin sa table kaya tahimik ako dahil si JC lang ang kausap nila.

Nagpalakpakan ang lahat nang matapos na ang programme. Hindi ko nakuha yung boquet nang ihagis na ni Tita Trexie kanina. Siguro nga ay baka tumanda ako ng dalaga. Maghanap na nga kaya ako ng boyfriend? E wala naman na yatang magkakagusto pa sakin. Ayaw ko naman na ako ang maghabol saka wala pa akong nagugustuhan sa ngayon.

"Halika bestie." Nakangiting paghila sakin ni JC.

"San?"

"Picturan mo ko kasama sina Doc, magpapa-picture ako." Kinikilig niyang sabi. Tumango ako at sumunod sa kanya. Nilapitan niya yung apat na nagkukwentuhan sa isang tabi.

Pwede na silang model sa mga itsura nila ngayon. Lahat sila naka-semi formal at hindi maitatanggi ang kagandang lalaki nilang lahat. Successful bachelors pa.

Ngayon ay hindi ko maiwasang tumingin kay Ivan.

"Mga Doc! Papicture naman ako oh." Ngiting-ngiti si JC. Pumayag silang apat at pinag-gitnaan ito kaya naman kulang nalang ay maihi si JC sa kilig. Lalo na nang akbayan siya ni Gio na katabi niya sa kanan. Si Atom naman ang katabi niya sa kaliwa.

Pumwesto na ako sa harap nila at nilabas ang cellphone ni JC. Tatlong shots ang nakuha ko.

Saglit akong napatingin kay Ivan nang tumawa siya dahil muntik nang matisod si Air.

"Ano ba Air." Aniya. Ang cute naman ng tawa niya.

"Ay, si Grace din daw magpapa-picture." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni JC. Loka-loka talaga siya.

Kaysa naman sa magmukha akong mahiyain ay sinakyan ko nalang ang sinabi niya. Ngumiti nalang ako nang lumapit sila saking apat. Tumingala ako kay Ivan dahil siya ang naging katabi ko at si Gio naman sa kabila. Humarap na ako kay JC nang magsimula na siyang magbilang. Sana hindi ako mukhang manang ngayon.

"Tayong lahat JC, come on." Pag-aya ni Gio nang matapos. Ibinigay nalang ni JC yung cellphone niya sa waiter. Natawa ako nang sumingit siya sa pagitan namin ni Gio. Ang naging pwesto namin ay si Atom, si Gio tapos si JC, ako, si Ivan tapos si Air.

"Thank you mga Doc!" Tuwang tuwang pasasalamat ni JC.

"It's fine. Kayo na yung okay sa lahat ng nagpa-picture samin. Masyado silang pa-demure." Sagot sa kanya ni Atom at nakipag-apir pa ito.

"Hey, maalala ko lang. May sasakyan ba kayo pabalik?" Tanong ni Ivan sa aming dalawa ni JC.

"Me—" Pinutol ni JC ang sasabihin ko.

"Wala nga po kasi puno na yung van na dapat sasakyan namin. Pwede po bang sa inyo nalang ulit?" Nagtataka akong tumingin sa kanya pero pinandilatan niya ako ng mata.

Ngumiti si Ivan at sumagot. "Sure."

"Ivan sabay na ko sa inyo. Ang ingay nung dalawa sa sasakyan e." Si Gio. Palihim akong pinalo ni JC dahil sa kilig.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon