do you
Cien's POV
Time check, 10:28 pm. In just one ring sinagot ni Air yung tawag ko. Hinihintay niya kaya kong tumawag sa kanya?
"Hi..." Nakangiti kong bati kahit hindi niya ko nakikita.
"Why do you sound so tired?" He doesn't usually sound sweet but for me he's genuine. I know he cares for me. Siguro hindi niya lang alam kung paano ieeexpress ang feelings niya. He's a silent killer kaya. Kahit ganyan siya, halos mamatay na ko sa sobrang saya ko dahil sa kanya. "Answer me Cien."
"Ah pagod lang. Wala kasi akong tulog e. Tapos hindi pa kami nakakakain ng hapunan. Pero don't worry, maya-maya lang siguro, off duty na kami. Ikaw kamusta dya—"
"What? Can I talk to your—" Masungit na naman ang boses niya kaya inunahan ko na siya.
"Air!" Pagpigil ko sa kanya. "Ayos lang ako—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang ibaba yung tawag. Ngayon niya lang ako binabaan ah?
Itinabi ko na lang muna ang cellphone ko at pinagpatuloy ang trabaho ko. Kamusta naman kaya yun don? Siya kaya, kumain na? Isinuot ko ang jacket ko kasi medyo malamig. Nandito naman ako sa labas pero bat ang lamig?
"Ang lakas ng ulan sa labas. Baka hindi pa tayo makauwi nito agad." Malungkot na sabi ng katrabaho kong si Ate Crisel. Umuulan pala. Napasimangot tuloy ako pero hindi naman dahil sa ayaw ko sa ulan. Sana lang tumila na agad para madali akong makakauwi mamaya. Ayaw kong magpasundo kay Air kahit pinipilit niya kasi alam kong pagod din siya. E kapag umuulan, ang sabi niya susunduin niya ko.
Isa na pala akong RMT dito din sa medical plaza na pinag-OJThan ko. Unang trabaho pa lang naman kaya ayos lang. Pero ang gusto ko sana e doon ako sa Caseña Medical Hospital kung nasaan si Air para magkasama kami.
Nagpaalam ako saglit para mag-cr. Pagkatapos ay naupo ako dito sa labas ng laboratory. Nagugutom na talaga ko. Wala pa namang mabibilhan dito sa loob ng medical plaza. Kung sa labas naman, umuulan kaya hindi rin ako makakabili.
"Cien!" Sigaw ni Kuya Botchok na isa ring medtech. "May naghahanap sa'yo!"
"Cien come here!" Tila excited namang pagtawag sakin ni Dra. Coreen.
Mabilis akong naglakad papunta sa lounge. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Air na suot ang navy blue na jacket na ibinigay ko sa kanya. Agad ko siyang nilapitan at hindi pinansin ang mga katrabaho kong nagsisitilian.
"Bat ka nagpaulan?!" Inilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang ulo niya kahit masyado siyang mataas para sakin grabe sana tumangkad naman ako ng konti. "Hindi porket ang gwapo gwapo mo kapag basa, magpapaulan ka na."
Kaya niya ba ko binabaan na lang bigla ay dahil nag-alala siya sakin kaya pumunta siya dito?
"Kumain ka na." Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Ipinakita niya sakin ang isang paperbag na may lamang pagkain galing sa Max's.
"Thank you sa pizza, bro!"
"Thank you dito ha!"
Nagpasalamat sila kay Air. Dinalhan niya rin sila ng pagkain? Sa paraan naman na kausapin nila si Air, hindi ba nila alam na ilang taon ang agwat ni Air samin? Ay, oo nga pala. Baby faced ang napili kong maging boyfriend. Minsan nga nacoconcious ako kasi iniisip ko na baka mas matured pa ang mukha ko kesa sa kanya.
BINABASA MO ANG
See You Someday [ON-GOING]
RomanceDo you believe in destiny? Or do you believe that you make your own story? "To my soulmate, see you someday." -Grace "To you A, see you someday." -Ivan