14

34 0 0
                                    

i love

Ngayon ay nandito ako sa second floor ng bahay namin. Naglilinis ako ng mga lumang gamit pati yung mga naiwang gamit nina Mama at Papa. Maaga akong nagising para maaga akong makakapagsimula.

Nagsuot ako ng headband para hindi humarang sa mukha ko yung buhok ko. Nagsimula na akong maglinis tutal wala naman akong trabaho. Pampalipas oras na rin.

"Hi."

Mabilis akong napaikot dahil sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko pero agad din akong kumalma nang makita kong tao lang yon pero—

"I-Ivan. Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti siya. "I just wanted to see my friend." Bumungisngis siya. Sa loob ko ay natawa ako dahil ang cute niya.

"Ipod ka. Maalikabok dito. Doon ka na lang sa may terrace." Sumunod naman siya sa sinabi ko.

"You need help?" Tanong niya habang nakapasok ang mga kamay sa bulsa at nakasandal sa bintana.

"Hindi na. Mamaya ko na lang din to tatapusin. Tsaka, marunong ka ba?" Pang-aasar ko.

Kahit na sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, na kinakabahan ako sa tuwing kasama ko si Ivan, may mga oras na komportable lang ako at hindi iniintindi ang ibang bagay.

Hindi umimik si Ivan at sa halip ay natawa lang. Natawa din naman ako.

Inilagay ko na sa tabi yung walis at dustpan pagkatapos ay lumapit kay Ivan. "Wala ka bang trabaho?"

Umiling siya. "Hindi pa ko bumabalik sa ospital. Tara. Labas tayo, I'm bored."

Ngumiti ako, sa isip ko.

"Bihis lang ako." Mabilis akong nagpalit ng damit at nag-ayos. Ano ba to? Maaga nga akong gumising para maglinis pero ni hindi ako nagdalawang isip na pumayag.

"Bakit para yatang puro mga gamit ang nandito sa second floor?" Curious na tanong niya bago pa kami bumaba ng hagdan.

"Yung ibaba lang yung ginagamit namin, para sa mga gamit lang itong itaas kasi kasya naman kami doon e." Paliwanag ko.

Alam kong ang weird pero lihim akong nagpasalamat sa Diyos dahil sa pagkakaibigan naming dalawa ni Ivan. Masaya ako dahil kaibigan ang turing niya sa akin. Napakabait pa niya sakin. Pakiramdam ko nga minsan, hindi naman ako karapat-dapat dahil parang masyado silang mataas.

"Bakit ako pa yung sinama mo? Sina Atom?" Tanong ko bago habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

"Why not? Close naman na tayo." Walang malisya niyang sagot. Alam rin pala niya na mukhang close na kami. Awkward kung sasabihin dahil baka assumera lang ako. Turns out, si Ivan pa mismo ang nagsabi.

"Mabuti naman lumabas ka na ng bahay." Wika ko nang paandarin na niya ang sasakyan niya.

Tumagilid ang ulo niya at nangiti. "Natakot ako sa sinabi mo na baka multuhin na ko ni Tita Nene e." Biro niya pa na ikinatawa ko naman.

Nauwi kami ni Ivan sa pagkain sa isang Chinese restaurant. Kakilala niya pala yung may-ari dahil inaanak daw ito ng papa niya.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon