35

65 1 3
                                    

Song Titles: Heaven by Your Side - A1 & Loving is Easy - Rex Orange County (media ryt here below)

Happy New Year y'all! Changing isn't wrong if it's changing for the better. Let's be better this 2019!

-faustacalixta

[A/N: GUYS! Galingan niyo sa pag-imagine ha! HAHAHA! I suggest pakinggan niyo muna yung songs kung hindi niyo alam para alam niyo while reading and imagining. Pleeeeease.]

~

they saw your name

"Tita Grace! Tita Grace!" Nagulat ako sa pagsigaw nina Kate at Kai habang tumatakbo paakyat kaya nagising ako. Bumangon na ko para salubungin silang dalawa. "Tita!"

"Bakit?"

"May Tito na po kami!" Grabe yung pagsigaw nilang dalawa. Napakacucute! Sobrang saya nila.

Napangiti naman ako. Ginulo ko ang buhok nila. "Sinong nagsabi sa inyo?"

October 15. Naging kami ni Ivan. Yun na yata ang pinakamemorable na araw sa buong buhay ko.

"Si Tito Ivan po! Kanina dumating siya pero umalis na din kasi papasok pa daw po siya hospital." Sagot ni Kate na ikinagulat ko.

"Ha? Bat— Bat di niyo ko ginising?"

"Eh tulog ka po eh!" Pilosopo namang sagot ni Kai. Napabuntong hininga na lang ako. Kaya nga naman ako hindi ginising dahil tulog ako.

"May Tito na tayo!" Nag-apir silang dalawa tapos tumakbo sila papunta sa sofa.

Tinabihan ko sila sa sofa. Kinuha ko yung cellphone ko at may nakitang text galing kay Ivan.

Dr. Ivan <3
Good morning <3

Bakit ba kasi ako nagpuyat? Ngayon lang tuloy ako nagising. Hindi kasi ako makatulog kagabi. Parang hindi pa ready yung utak at puso ko kumalma. Tumitili ako ng tahimik, pinapalo ko yung unan tapos nagpapagulong-gulong ako. Ewan ko ba. Para akong teenager eh 27 na ko.

"Gawin mo na." Bumaling ako sa mga bata nang narinig kong nagbubulungan silang dalawa pero hindi ko naintindihan ang sinasabi nila.

"Ah eh, Tita." Pagtawag sakin ni Kate. "May tanong po kami sa inyo ni Kai. Wala lang po naisip lang po namin."

"Ano yun?"

"Kung may kakantahin po kayo para kay Tito Pogi, pwede niyo po bang kantahin samin ngayon?"

"Ha? Bakit?" Natatawa kong tanong.

"Namimiss na po kasi namin ikaw kumanta." Ngumuso si Kai. Matatanggihan ko ba naman ang ganto kacucute na mga bata?

"Oh sige. Mm, para kay Ivan?" Napangiti ako habang nag-iisip. Nang makaisip ako ay sinimulan ko na silang kantahan. Parang sumang-ayon ang mundo kasi ang tahimik sa paligid namin kaya halos tanging boses ko lang ang nariring.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon