kasama
Grace's POV
"Tingin mo ba imortal ka, Ivan?" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para magsalita matapos niyang sabihin yun.
Nakangiti siyang bumaba mula sa ikalawang baitang ng hagdan palapit sakin. Halos maduling ako sa lapit niya lalo na at medyo nakatingala ako. "Ang taray mo na talaga ah."
"Ivan!" Naiinis na bulalas ko habang pinapadyak ang mga paa ko. "Delikado nga."
Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para matigilan ako. Hinila niya ako paakyat at iniupo niya ko sa isang malambot na upuan na nasa tabi lang ng hagdanan.
"Wait here." Aniya at muling bumaba para yata pumunta sa kotse.
Mabilis ding nakabalik si Ivan. Walang pasintabi siyang umupo sa tabi ko na dikit na dikit ang balat naming dalawa kaya umisod ako. Magsasalita sana ako nang may iabot siyang box na may ribbon pa. Hindi ito ganon kalaki ngunit hindi rin maliit.
Kumunot ang noo ko. "Ano yan?"
Ngumiti ulit siya. "Open and you'll see."
Nag-aalinlangan ko iyong kinuha sa kamay niya. Sumandal siya sa pader at pinag-krus ang mga binti habang ako ay binubuksan ang box.
Kumurap-kurap ako nang makita ang isang vintage-styled music player na moderno ang pagkakagawa. A-Ang ganda. Rose gold ang kulay nito at napakaganda ng disenyo. Namiss ko tuloy bigla na magkaron ng mp3 player. Sa tuwing naiiyak ako ay wala na akong magamit para pigilan ang lungkot ko at ang nagbabadyang mga luha ko.
Dahan-dahan kong nilingon si Ivan pero nakatingin na pala siya sakin. Lumunok muna ako bago ko makuhang makapagsalita. "Ano namang gagawin ko dito?"
Umayos siya ng pagkakaupo at mas lumapit sakin. "Sorry if couldn't find one close to your old player."
Nanlaki ang mga mata ko. "P-Para sakin to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"If you're scared or sad or you feel like you're gonna cry, I wish it can also help you, Grace. Alam kong mas gusto mo yung dati na nasira pero wala talaga kong mahanap na katulad non. Hope you like it."
Oo, Ivan. Kung sakin nga talaga to, hindi ko ba naman to gugustuhin? Bukod sa ang ganda nito, galing ito sa kaibigan ko.
Bumuga ako ng hangin dahil hindi ako makapaniwalang para sakin to. "Para sakin talaga to?" Pag-uulit ko.
"Oo nga." Kinurot niya na naman ang pisngi ko. "So... siguro, pwede na kong umalis?" Hindi ko naituloy ang ngiti ko nang sabihin niya iyon at sa halip ay napasimangot ako. "Mag-iingat ka dito. I'll call you." Nakangiti niyang sabi at dumiretso na pababa. Nakatitig lang ako sa likuran niya habang tinatahak niya ang daan palabas.
Hindi ko maipaliwanag ang kaba at takot na nararamdaman ko habang naiisip na aalis pa rin si Ivan pabalik ng Caseña.
Mabilis kong ipinatong yung regalo niya sakin sa upuan at hinabol siya. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakasakay. Huminga ako ng malalim dahil medyo hiningal ako sa pagbaba ng hagdan. Nakatayo lang siya habang ang mga kamay niya'y nasa bulsa ng pantalon niya at nakatingin sa kawalan. Ano naman kaya ang iniisip niya?
BINABASA MO ANG
See You Someday [ON-GOING]
عاطفيةDo you believe in destiny? Or do you believe that you make your own story? "To my soulmate, see you someday." -Grace "To you A, see you someday." -Ivan