pager
Grace's POV"Si JC, m-may narinig siya na pinag-uusapan n-nung Janus at Derrick." Hindi mapakali kong sabi. Natigilan lamang ako nang hawakan ako ni Ivan sa kanang braso ko at nang mas lumapit siya sa akin. Saglit akong hindi nakapagsalita dahil sa kaba. "Ivan, iseset up ka nila mamaya sa surgery na gagawin niyo."
Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Ivan. Ngayon ko lang siya nakita na galit ang mga mata. Kahit na ganoon ay hindi na ako nagdalawang isip at sinabi sa kanya ang plano nina Janus na bigyan siya ng inumin na may kasamang drugs. Yung drugs na yon ilegal at pupwedeng maging dahilan para mawala ka sa sarili mo. Hindi mo na malalaman ang ginagawa mo tila isang adik.
Bumukas ulit ang elevator at hinila ako ni Ivan palabas. Tumingin akong saglit sa mga kamay naming magkahawak bago ako tuluyang magpadala sa kanya. Nararamdaman ko ang galit niya pero kalmado siya kumilos.
"Gulo hanap niya? Let's give it to him." Sambit ni Ivan. Hindi ko napigilan ang mamangha sa pagiging maangas niya sa gitna ng sitwasyon.
Tinawagan ni Ivan sina Gio at ang magkapatid at nagkita-kita kami dito sa rooftop.
"Lintek na Janus talaga yon." Inis na inis na wika ni Atom.
"Ano bang gusto niyang mangyari?" Si Air naman ay kalmado ngunit makikita pa ding apektado siya at galit rin.
"What are you going to do, Ivan? You want me to report it now?" Tanong naman ni Gio.
"No. Wag na." Nag-smirk si Ivan at sumandal sa pader.
Ayon sa plano ni Ivan, naghiwa-hiwalay na kami. Kaming dalawa ni Atom ang magkasama dahil sasamahan niya kong kumuha ng nurse uniform.
Si Ivan ay nauna na para maghanda sa surgery. Si Gio naman ay nagtungo sa opisina ng director para sabihin na panoorin ang gagawin ni Janus. Isasama siya ni Gio upang sundan sila. Si Air naman ay dumiretso sa monitoring room para siguraduhing makukuha ang cctv footage ng aktong pagsabutahe nina Janus at Derrick.
"Tawagan ko na si Air." Ani Atom nang makalabas na ako at nakabihis na. Si Air kasi ang nakakaalam kung nasaan sina Janus dahil nakikita yon sa cctv. "Air. Oo. Nakabihis na si Grace. Nasan yung mga gagong yon?" Pinatay na ni Atom ang tawag at bumaling sakin. "Tara. You know what to do, right?" Tumango ako.
Nang marating ko na ang silid kung nasaan sina Janus ay iniwan na ako ni Atom. Nagulat sila sa biglaan kong pagpasok at hindi man lang kumatok. Nakita ko silang dalawa na nagtatawanan habang may hawak hawak na mineral water si Janus. Iyon na siguro ang ipapainom nila kay Ivan. Hindi pa ako sigurado pero kailangan kong malaman.
"Good evening Doc. May hinahanap lang po ako." Ngumiti ako. Alam ko na kung sino sa kanila si Janus dahil ipinakita sa akin ni Atom ang picture nito.
"Feel free." Nakangisi namang sagot sakin ni Derrick. Tumahimik sila samantalang nagdire-diretso naman ako at nagkunwaring may hinahanap sa mga cabinet.
Sumulyap akong muli kay Janus. Huminga ako ng malalim saka lumapit sa kanya. Bahala na kung ano isipin nila sa kaweirdohan ng sasabihin ko.
"Ah Doc. Painom naman ng tubig niyo uhaw na uhaw na po kasi ako."
"Hey— n-no. Wag to." Kukunin ko sana ang bote pero hindi niya binitiwan.
BINABASA MO ANG
See You Someday [ON-GOING]
Roman d'amourDo you believe in destiny? Or do you believe that you make your own story? "To my soulmate, see you someday." -Grace "To you A, see you someday." -Ivan