15

25 0 0
                                    

don't cry

"Ano bang nangyari?" Grace asked. Ivan's car suddenly stopped and he's trying to figure out why.

"Pumasok ka muna. Mukhang delikado dito." Ivan commanded but Grace resisted.

"Hawakan ko na yan." Inagaw niya ang flashlight na hawak ni Ivan para siya na ang mag-ilaw at nang mas makagalaw ng maayos ang kaibigan.

They got stuck in a dark street, with no people around. Ivan wanted to show Grace the restaurant he used to eat at but then the car stopped.

"Tawagan kaya natin sina Gio?" Grace suggested.

"Malamang nakalabas na ng Manila yon."

Napansin naman niyang tila nahihirapan at pawisan si Ivan. "Hanap na lang tayo ng malapit na talyer. Siguro meron sa lugar na to. Tapos papuntahin na lang natin yung mekaniko dito."

Nilingon siya ni Ivan. "Fine. Just hold on to me. Baka mamaya higitin ka ng adik diyan." Napangiti si Grace ngunit agad niya itong inalis bago pa siya makita ni Ivan.

Habang naglalakad sila sa madilim na lugar ay nakapulupot ang braso ni Grace sa braso ni Ivan. Si Ivan naman ay panay ang paghigit kay Grace papalapit sa kanya sa tuwing lalayo ito.

Ilang sandali lang ay muntik nang  mayakap ni Grace si Ivan nang biglang may dumaang itim na pusa sa kanilang harapan. Ivan was directly looking at her with a poker face that made her feel awkward. Bumitaw siya at nag-iwas ng tingin.

"Kahit anong gawin niyo, sasabihin ko pa rin ang totoong kayo ang pumatay kay Attorney!"

Habang nasa tapat ng isang abandonadong bahay ay nakarinig sila ng ingay at ng umiiyak. Nagkatingin silang dalawa at maingat na sumilip sa bintana.

Sa gitna ng kaba ay nakuha pang pagtuunan ng pansin ni Grace ang mahigpit na pagkakahawak ni Ivan sa kanyang kamay. Animo'y piniprotektahan siya.

Nanlaki ang mga mata ni Grace nang makitang pinagsasaksak ng isang lalaki ang isang babaeng nakatali.

Dahil sa gulat ay muntik nang sumigaw si Grace. Agad lamang tinakpan ni Ivan ang bibig nito at sumenyas na huwag gumawa ng ingay.

"Boss tama na yan. Patay na sigurado yan." Tumatawang wika ng isa pang lalaki.

"Nararapat lang sa kanya yan masyado siyang madaldal."

*phone rings*

Habang hawak ang kamay ni Grace ay mabilis na tumakbo si Ivan hila ang kaibigan. Slow motion ang lahat para kay Grace kabilang ang nararamdaman niyang kaba habang hawak siya ni Ivan. Laking pasasalamat rin niya dahil hindi siya nagsuot ng high heels.

Tumunog ang telepono ni Grace hudyat na may tumatawag kaya nagkaroon ng ingay na naging dahilan para malaman ng mga taong nasa loob na may sikretong pinanonood ang krimeng ginagawa nila.

"Ayun sila boss!"

Wala nang pakialam si Grace kahit na nahulog ang kanyang telepono sa kalsada. Sinubukan niyang sumabay sa pagtakbo ni Ivan lalo na nang makita sila ng mga tao at hinahabol sila.

"Grace bilis!"

Lumiko silang dalawa patuloy pa rin sa pagtakbo. Lalong hinigpitan ni Ivan ang hawak kay Grace dahil sa pag-alalang mabitawan niya ang kaibigan at mahuli ng mga lalaking humahabol sa kanila.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon