Finally, an update. I know. (lol)
Ask me anything here: https://curiouscat.me/AlexaGericka
I also finally made a Facebook account. Add me: Alexa Rojo De Borja
Twt: @deborjaalexa
Ig: alexagericka~
almusal
Grace's POV
"Van." Nagda-drive si Ivan kaya ako na ang humawak ng iced coffee niya kapag iinom siya. Ang akin naman ay frappe lang. Hindi si Ace ang ginamit naming kotse ngayon kundi yung luma. Sabi ni Ivan pagpapahingahin niya daw muna. "Bat dito tayo dumaan?" Tanong ko.
"May nag-banggaan don di tayo makakapasok."
"Ah."
Tumingin sakin si Ivan. Isusubo ko sana sa kanya yung straw ng iced coffee niya nang magsalita siya na parang striktong tatay.
"Wag kang dadaan dito lalo na kapag mag-isa ka. Delikado. Maraming basag-ulo, makakagawa na naman ako ng kasalanan Grace."
Narinig ko na rin kay Kuya Gab na delikado nga dito sa may likod ng barangay 15. Yung kakilala niya daw sinaksak dito kahit wala namang ginagawa. Pagnanakaw daw yung motibo kasi nawala yung wallet nung biktima pati na yung cellphone.
"Wag ka ring dadaan dito." Nag-aalala kong sagot kay Ivan. "Baka mapagtripan ka."
Maya maya lang ay nandito na kami sa bahay. Kumain lang kami sa labas kanina tapos dumaan kami saglit sa barber shop sa mall kasi nagpa-trim si Ivan.
"Call me when you wanna call me."
Nagkunwari akong umidap. "Busy ka kaya."
Mabilis na lumingon sakin si Ivan pagkapatay ng makina. "Baby."
"Joke lang." Ngumiti ako at hindi na hinintay lang pagbuksan ako ni Ivan ng pinto. Lumabas din siya kaya nagtatakang nilingon ko siya.
"I'll say hi." Inayos niya ang sleeves ng polo niya at maangas na isinara ang pinto ng kotse. Siguro kung hindi ko siya kilala baka inisip ko nang artista siya. Nakasuot siya ngayon ng puting long sleeves dahil may mahalagang meeting daw ngayon sa ospital para sa kanilang mga resident doctors. Nag-hi lang si Ivan kina Kuya at Ate pero yung dalawang bata ay nasa school pa. Umalis na din siya pagkatapos.
Dahil sa ginawa ni Ivan ay naiwan ng magnanakaw yung bag kung saan niya inilagay yung mga pera. Salamat naman dahil kung hindi ay malaking pera sana ang nawala sakin. Matagal kong pinag-ipunan iyon. Ayaw ko ngang gamitin yun dahil ang gusto ko para yun sa magiging sariling pamilya ko.
Ngayon ay nandito ako sa mall mag-isa para humanap ng regalo kay Ivan. Excited akong nagpunta pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nabibili. Nasa ospital pa si Ivan at mamayang gabi pa uuwi. Kanina pa nga ako paikot-ikot dito kaso wala akong mapagdesisyunan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko bang kinamot ang ulo ko o ilang beses ba kong bumuga ng hangin. Hindi ko rin alam kung damit ba o relo o gamit o ano.
Wala naman akong mapagtanungan kung maganda ba o ano yung napipili ko kasi wala naman akong kasama. Inaya ko si JC kaso wala pala siya ngayon dito sa Caseña dahil may family reunion at christmas party sila sa Davao. Aayain nga daw niya sana ako ulit sumama kaya lang naalala niyang birthday ni Ivan ngayon kaya alam niyang hindi rin ako makakasama.
![](https://img.wattpad.com/cover/90481219-288-k892918.jpg)
BINABASA MO ANG
See You Someday [ON-GOING]
RomanceDo you believe in destiny? Or do you believe that you make your own story? "To my soulmate, see you someday." -Grace "To you A, see you someday." -Ivan