32

41 0 0
                                    

edi dito ka na nga lang matulog

Cien's POV

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto ko. Nakakalat ang mga libro and modules and stuff and they're stressing me out so bad.

"Aaaaaargh."

So here I am, in torture. Nagrereview ako for my board exam next week. It's been more than a year since I started preparing for one hell day that'll take me to heaven— IF I PASS... Hindi pa nga kami nagkakakilala ni Air eh nagrereview na ko pero dahil sobrang lapit na, ngayon ko na lang nararamdaman ang sobrang kaba.

I'm not the smart kid you know but I can say na masipag naman ako. Daig ba talaga ng masipag ang matalino kasi bakit ganto ako? Huhuhu. Mabuti na lang nadagdagan na naman ang listahan ng inspirasyon at motivation ko. Si Air syempre.

"Anak! Conzuelo! Nak alis muna kami! Buksan mo yung aircon parang ang init diyan sa kwarto mo!" Sigaw ni Mama mula sa baba.

Umuwi ako ng P. Alto para dito muna mag-aral samin. Dito lang din yun sa Caseña pero medyo malayo sa tinuturing ng mga tao na syudad. Last week lang ako umuwi para na rin makita ulit ang pamilya ko. Isang linggo ko na ngang hindi nakikita si Air. Kagabi tinawagan ko siya pero nagpaalam na ko agad kasi pansin kong pagod siya base sa boses niya. Saka super stress kaya sa ospital. Nag-aaral pa din sila kahit resident doctors na sila. Grabe, ang galing galing ng mahal ko.

Si Kuya Ivan naman kakabalik lang daw sa ospital. Marami daw siyang namiss na trabaho pero naiintindihan naman daw ng director dahil sa sitwasyon nila. Kamusta na kaya sila ni Ate Grace? Sana maging okay na talaga sila. Balita ko kasi kay Air hindi sila nagpapansinan noong sinundo na sila sa Quezon. Hindi naman daw nagkukwento si Kuya Ivan kaya wala silang alam.

Para sa board exam na to, tatlo simbahan na yung napuntahan ko para humingi ng tulong pero syempre hindi pa tapos. May pito pa kong balak puntahan. Kailangan ko lang talaga eh. Nasa Diyos ng awa, nasa tao ang gawa. Whew! Kakayanin!

"Kaya ko to! Kaya ko!" Taas-noo kong sambit na puno ng determinasyon. Dalawang oras ang nakalipas, nandito pa din ako sa study desk ko at umiiyak. "Pucha kaya ko ba to?"

Habang nakatulala sa ballpen ay halos tumalon ako sa upuan ko dahil sa gulat nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Mula sa problematic ay naging excited ang pakiramdam ko kasi pangalan ni Air ang nakita ko sa screen.

Air <3

"Hellooo!"

"Hi."

I sighed out of relief. Just when I needed a motivation. Siya lang yata ang kailangan ko to cheer myself up.

"Buti napatawag ka. Miss na kita." Sambit ko habang inaayos ang mga librong to. Pagod na din ang mata ko. Siguro mamaya ko na lang ito itutuloy at kakain muna ako sa baba. May iniwan naman yatang pagkain sina Mama sa baba.

"I miss you." Tumili ako ng walang tunog. Grabe, bakit ganito pa din kung kiligin ako kahit ilang buwan na kami at sampung taon ko na siyang gusto? Mahal ko na nga, actually. "That's why I'm here."

Nanlaki ang mga mata ko and I feel like my jaw just locked. Hindi ako agad nakasagot. "D-D-Dito?"

Niyakap ko agad ng mahigpit si Air nang makita ko siya sa labas ng pinto namin. Nagulat pa siya pero wapakels na ko basta mayakap ko na siya kasi miss na miss ko na talaga siya!

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon