18

30 0 0
                                    

didn't want to let them

"Doc Ivan, may naghahanap po sa inyo." The nurse informed him. He grabbed his water bottle and followed the nurse outside.

"Ayun po siya." Turo ng nurse kay Grace na nakatayo sa may hallway.

Ivan slowly walked closer bowing a little, planning to surprise Grace. When he was about to startle her, Grace unexpectedly turned around because she felt someone behind him.

Ivan couldn't blink for a moment when Grace accidentally kissed him on his left cheek. He stood straight as Grace moved away.

"S-Sorry h-hindikosinasadya." She immediately apologized.

"Uhm, I'll come back." Ivan answered tensely and turned his back on Grace. Nakahinga siya ng maluwag nang maisara ang pinto.

Napanganga si Grace dahil sa nangyari. "Ang tanga tanga mo!" Bulong niya habang inaaway ang sarili. "Ace nam—"

"Ah, okay. Copy." Dinig niyang lumabas na muli si Ivan ng pinto kaya naman dumiretso siya ng tayo. Nakita niya itong may kausap na nurse pero ang nurse ay tila nagtataka ang itsura. "Thanks for informing me." Ivan smiled.

The nurse barely didn't know why Ivan suddenly talked beside him the moment she got out of the room. Sumabay ito sa kanya sa paglabas at bigla na lamang siya kinausap kahit hindi niya ito kinakausap.

"Uh let's just forget about that..." Sambit ni Ivan habang nakahawak sa kanyang batok tila nahihiya.

"Mm." Grace responded trying to hide her awkwardness. They're both blushing, actually.

They started to walk as Ivan took the bag from Grace.

"Ako na." He volunteered.

"Hindi ko alam kung kumakain ka niyan pero yan na lang kasi yung available na maluluto sa bahay kanina e." Ani Grace. Habang kausap ang lalaki ay hindi nakatakas sa kanyang paningin ang malalagkit na tingin ng ilang mga nurse at doktor sa kanilang dalawa ni Ivan.

"I knew it. You'd bring food." Taas-noong sambit ni Ivan.

Tumawa naman si Grace. "Pero kung ayaw mo naman, iuuwi ko nal—"

"You already gave it to me." Ivan hugged the paper bag like he's protecting the food.

"Oh sige." Grace shrugged.

"Thanks for visiting me, by the way."

"Wala yon."

Naupo silang dalawa sa bench malapit sa may lobby. Ivan put the bag on his lap as he opened the lunch box. A spoon and fork was already in it so he grabbed them excitedly.

"Hindi pa ko kumakain ng tanghalian, I'm really hungry now Grace." Aniya at sumubo.

"Mago-one thirty na, ah? Busy ba?"

"Nah. Hinihintay kita. I told you I already knew you'd bring me food." Patuloy lamang si Ivan sa pagkain. Halatang gutom na gutom ito.

Tahimik na pinanood ni Grace si Ivan habang kumakain. Hindi na rin nagawang magsalita ni Ivan dahil tuloy tuloy siya sa pagkain.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon