5

46 0 0
                                    

ikaw pa

Ngayong araw ay pupunta kami ni JC sa Batangas para umattend ng kasal ni Tita Trexie, doktor na kakilala namin ni JC. Pero heto kami ngayon sa ospital at namomroblema. Naiwan kasi kami ng van dahil sa kabagalan ni JC kumilos.

"Ikaw kasi e." Sambit ko.

*beeep*

Medyo nagulat kami nang may dumaan na itim kotse. Kilalang kilala ko ang kotseng to. Nakumpirma ko lalo nang bumaba ang bintana sa driver's seat.

"Ivan." Bati ko at nakita ko sa peripheral vision kong nagulat si JC. Sana hindi muna siya umimik.

"Going to the wedding?" Tanong samin ni Ivan.

"O-Oo."

"Sabay na kayo sakin. I don't want to be alone medyo malayo." Ngumiti siya at lumabas ng kotse. "Give me your bags."

"Ay sige po Doc! Thank you po!" Mabilis na sagot ni JC. Inabot niya kay Ivan ang tig-isa naming bags para siguro mailagay niya sa compartment. Pwede naman naming ipasok nalang din sa kotse dahil tig-isang backpack lang naman.

Pagkatapos ay hinigit na ko ni JC papasok ng kotse. Itutulak niya sana ako sa shotgun seat pero kinurot ko na siya.

"Oh come on, one of you sit beside me." Ani Ivan pagpasok niya ng kotse. "Ayokong magmukhang driver." Tumatawang dugtong niya.

"Sabi sa'yo e." Bulong ni JC sakin at binuksan na ang pinto sabay tulak sakin palabas. Napabuga ako ng hangin dahil sa lakas niya. Inayos ko muna ang buhok ko bago pumasok.

"You suddenly look shy." Pagpuna sakin ni Ivan na ikinagulat ko. Napansin niya.

"H-Ha?" Gulat kong tanong.

"It will be your third time in my car kaya don't be." Hindi na ko nakasagot hanggang sa pinaandar na ni Ivan ang kotse.

Sinilip ko muna si JC at naninigkit ang mga mata niya na parang sinasabing 'Ano to? Magpaliwanag ka.' Kilalang kilala ko na si JC kaya alam ko na ang takbo ng isip niya. Siguradong nagulat siya nang marinig na pangatlong beses ko na dito.

"Bili lang ako ng drinks." Paalam ni Ivan bago lumabas kaya naiwan kami ni JC dito sa loob ng kotse. Dalawang oras papunta sa Batangas at isang oras na kaming bumabyahe. Nag-stop over lang muna kami dito sa 7-Eleven dahil nauuhaw na daw si Ivan.

"Ikaw babae ka wala kang pagkwento ha! Ano yon? Magpaliwanag ka." Marahan akong binatukan ni JC. "Close kayo ni Dr. Xi?"

Dr. Xi? Parang narinig ko na yon pero hindi ko matandaan kung saan.

Naisip ko nalang na asarin si JC. "Bakit? Inggit ka?" Tumawa ako ng mahina. "Pati yung tatlo niya pang kaibigan."

Ngumuso siya at humalukipkip. "Crush ko pa naman si Doc Gio. Pakilala mo nga ako mamaya baka nandon siya sa kasal." Natawa ako.

Huminga ako ng malalim at sumandal. Hindi pinatay ni Ivan ang makina para daw hindi mamatay yung aircon. Maiinitan daw kami. Gentleman si Ivan kahit fuckboy. Ironic pero ganon talaga. Kapag kasi fuckboy ay parang hindi mo din nirerespeto ang mga babae. Natawa nalang ako sa mga iniisip ko.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon