10

38 0 0
                                    

sweet

"Si Ivan, kaibigan ko." Grace introduced him nang makalapit na sila sa mag-asawa. Alam niya na agad ang iniisip ng mga kapatid niya sa itsura pa lamang ng mga ito. "Ivan, si Kuya Gab saka si Ate Pia."

"Kuya ako ni Grace." Gab and Ivan shook hands.

"Halika, sumama ka muna samin." Sumang-ayon naman agad ang mga bata sa sinabi ng kanilang Nanay. "Kasama mo naman si Grace eh." Tumatawang dugtong ni Pia.

"Okay, sure po." Hindi nag-dalawang isip na pumayag si Ivan. He actually likes to jam with people who he thinks are nice. That's why he already treated Grace as a friend when they met again at the church. His first impressions with people were always right.

"Sigurado ka ba?" Bulong ni Grace habang naglalakad sila palapit sa latag ng mag-anak sa damuhan. Iniisip niya na baka maging abala sila kay Ivan. Kagat pa nito ang labi dahil sa pag-alala.

"I told you, I'm free. First time kong magpi-picnic. And, can I resist the kids?"

Naunang maglakad si Ivan dahil tinawag siya ni Kai. Palihim na ngumiti si Grace dahil sa pag-iisip niyang kasama si Ivan sa picnic nila.

"Ivan oh." Agad niyang tinanggap ang pagkaing hinanda ni Grace para sa kanya. Ngumiti siya bilang pasasalamat.

Naupo sila sa latag sa damuhan katabi ang mga pagkain. Ivan's smiling inwardly because of what he is seeing right now. He never experienced picnics before. Madalang niyang nakakasama ang mga magulang at wala naman siyang kapatid. Hindi din nila naiisipang mag-picnic ng magkakaibigan.

"Kain ka lang, Ivan." Pia smiled.

"Thanks."

"Papa, punta lang po kami ni Kai doon sa may puno." Paalam ni Kate kay Gab. Pinunasan ni Gab ang ketchup sa may pisngi ng kanyang anak bago sumagot.

"Wag kayong masyadong lalayo."

"Wag malikot anak ha. Kai, wag kang lalayo sa ate mo." Sabat ni Pia. Pinagmasdan nilang makalayo ang mga bata. Si Grace ay sumusulyap kay Ivan habang kumakain samantalang si Ivan naman ay sarap na sarap sa pagkaing nakahanda.

"They're cute." Ivan commented as he restrained himself from looking gloomy. He's just wondering how Kai feels to have his sister.

"Kelan mo nga pala nakilala tong kapatid ko?" Tanong ni Gab habang binabalatan ang prutas para kay Pia. Grace winced because it sounded like his brother is investigating his sister's 'boyfriend'.

"Uh, hindi ko na po matandaan. Months ago pa." Sagot ni Ivan.

"Noong anniversary niyo, Kuya. Sa restaurant." Grace interfered.

Imbes na sumagot pa si Gab ay tumango na lamang siya. Pinagpatuloy niya ang pagbabalat ng prutas para sa asawa ngunit sa loob nito'y iniisip niya ang kapatid at ang kaibigan nito.

"Wag ka na mag-po samin. Tatlong taon lang agwat namin sa inyo kung ka-batch ka ni Grace e. Tawagin mo na lang kami ni Gab ng ate at kuya." Pia laughed as she slightly pinched his husband's arms when he tried to say something sternly. "Ikaw yung naghatid noon kay Grace diba?" Nakangiting tanong naman ni Pia.

"Ah." Ivan smiled. "Yeah." Naisip niyang baka nakita siya noong hinatid niya si Grace.

Inilibot ni Ivan ang mga mata sa lugar. It feels nice to see a relaxing view, he thinks. "Madalas ba kayo nagpi-picnic dito?" Tanong niya upang hindi siya magmukhang tahimik. Tutal hindi naman siya nahihiyang kausapin ang mga kapatid ni Grace.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon