8

38 0 0
                                    

luha

Hindi ako nakapasok sa trabaho ngayong araw dahil paggising ko ay dinatnan na pala ako. Sa tuwing nagkakaron ako ay madalas sumasakit ang puson ko. Hindi pa din ako nasasanay doon dahil hindi talaga normal ang menstruation ko. Ilang taon na din akong ganito. Noon ay si Mama ang kasama ako at nag-aalaga sa akin pero wala na siya.

"Tita kung kumain ka na daw?" Pagkatok ni Kai sa pinto ng kwarto ko.

Nakangiwi akong bumangon mula sa pagkakahiga. "Oo Kai. Kumuha ako kanina." Wala akong narinig na sagot. Marahil ay umalis na din siya.

Sobrang sakit na naman ng puson ko. Kanina ay nawala na pero bumabalik na naman. Sa tuwing ganito ay hindi ako lumalabas ng bahay. Wala ako sa mood gumawa ng kung ano-ano kaya kung hindi ako nakahiga sa kama ay kung ano-ano lang ang kinukutingting ko.

Bumangon ako sandali para lakasan yung electricfan at tinutok ko ito sa kama ko. Bumalik ako pero umupo nalang muna. Pinunasan ko din ang mga mata kong may mga luha pa. At dahil wala akong ginagawa ay naisipan kong maglaro na lang ng Candy Crush sa cellphone ko.

Ilang sandali pa ay medyo nawawala na ang sakit ng puson ko. Naghilamos muna ako sa cr sa labas dahil wala naman akong sariling cr. Nag-toothbrush na din ako saka nagbihis kasi pinawisan ako kanina. Nagligo naman na ako kaninang alas syete.

Kasabay ng muli kong paghiga ay ang pagbuhos ng ulan. Napangiti ako at binuksan ang bintana. Pinatay ko na din muna ang electricfan dahil malamig naman ang simoy ng hangin.

Bigla ko namang nabitawan ang cellphone ko sa sahig kaya nagkahiwa-hiwalay na naman ang parte nito. Mahuna talaga ito sa tuwing nababagsak. Ibinalik ko ang battery saka yung takip. Ilalagay ko na sana ang case nang makita ko yung calling card ni Ivan. Naisipan kong i-save ang number niya. Yung 1023 ang last digits ang sinave ko. Yun kasi ang tinawagan ni Gio noon.

Dr. Ivan

Pinindot ko ang edit button para sana dagdagan ng Xi pero nanlaki ang mga mata ko nang ang mapindot ko ay ang call button. Hindi mapakaling bumangon ako at mabilis na inend ang call. Nagpaload pa naman ako kagabi, ibig sabihin natawagan ko nga siya dahil regular load lang yun. Siguradong kahit ano pa man ang sim niya ay natawagan ko pa din.

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Natanggap niya kaya yung tawag? Sana naman ay naagapan ko.

"Halaa." Nakangiwi kong tiningnan ang cellphone ko nang tumunog ito hudyat na may nag-text. Patay.

Dr. Ivan sent you a message.

Napalo ko ang noo ko. "Pano ba to?" Dahan-dahan kong binuksan ang text message.

Dr. Ivan
Who's this?

Alam kong dapat kong replyan ito dahil number ko ito. Dapat kong sabihin na ako to. Dahil kapag hinanap ang number na iyon ay ako at ako ang lalabas.

Ang mahirap ay nakakahiya dahil baka itanong niya kung paano ako nagkaroon ng number niya. At kung bakit ko siya tinawagan.

Sampung minuto na ang dumaan pero hindi pa din ako nagrereply. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Magpapakilala na lang siguro ako.

- Si Grace to :)

Kinakabahan ako habang hinihintay ang reply niya. Nahiga ako pero agad din akong bumangon nang tumunog na ang cellphone ko.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon