20

27 0 0
                                    

destiny vs. make it happen

Grace's POV

Nakaupo ako ngayon sa tabi ng hospital bed kung nasaan si Ivan. Masyadong nabugbog ang katawan niya kaya hinang-hina siya. Hindi ko na halos alam ang gagawin ko kanina.

Mabilis kong tinawagan si Kuya Gab para puntahan kaming dalawa at tulungan akong dalhin si Ivan dito sa ospital. Umuwi na din siya kasi walang kasama si Ate Pia at ang mga bata sa bahay.

"Sana gumaling na yang mga sugat mo. Sana hindi na sumakit." Pakikipag-usap ko sa kanya kahit na natutulog siya.

Maya maya lang ay bumalik na din sina Gio, Air at Atom. Sobra din ang naging pag-alala nila para sa kaibigan nila. Hindi pa namin alam kung sino ang bumugbog sa kanya pero naireport na ni Gio sa pulis. Wala pa namang cctv sa lugar na yon. Baka mahirapan sila hanapin ang mga taong yon. Ang sabi daw nila, hindi pagnanakaw ang motibo dahil walang nawala sa gamit ni Ivan lalo na ang wallet. Kung sa kotse naman ay hindi pa alam dahil hihintayin pang magising si Ivan para matanong siya kung may nawala.

"You should eat, Grace." Ani Gio at inabutan naman ako ni Air ng pagkain. Nakita kong tigi-isa kami kaya hindi na ko tumanggi.

"Salamat."

"Sinong mga siraulo yon?" Inis na inis na tanong ni Atom habang nakahiga sa couch. Nasa ulohan niya lamang si Air samantalang si Gio naman ay nasa may bintana.

"And why did they do this?" Si Air habang kumakain.

"Grace." Tumingin ako kay Gio nang tawagin niya ko. "Gising pa si Ivan nang makita mo siya, right?" Tumango ako sa tanong niya. "May sinabi ba siya sa'yo bago siya mawalan ng malay?" Saglit akong natahimik para alalahanin ang sinabi ni Ivan sakin kanina. Marahil dahil sa pag-aalala ko ay hindi ko na masyadong matandaan ang nangyari kanina basta ang alam ko lang kailangang magamot ni Ivan kasi puro pasa at sugat siya.

"Ah." Wika ko nang maalala ko. "Pinapauwi niya ko dahil delikado daw. Hindi ko alam pero gusto niyang iwan ko siya kanina sa daan."

Ibinaba ni Gio ang pagkain niya at bumaling kay Air at Atom. "I was right. Grace, mag-ingat ka muna. I'm sure it was the same guys who you stumbled on in Manila." Kinabahan ako dahil sa sinabi ni Gio. Tama, posible nga. Y-Yung anak ng negosyante na si Tuazon.

Gusto ko sanang nandito ako kapag nagising si Ivan pero pinauwi na muna ako nina Gio. Inihatid na lang ako ni Atom at Air sa bahay kaninang alas kwatro ng madaling araw. Natulog ako ng dalawang oras dahil nagising din ako ng six o'clock. Uminom na lang ako ng kape saka naligo at dumiretso sa ospital. Inilagay ko na rin sa isang canister yung bopis na niluto kagabi saka nagsaing din ako ng kaunti. Kaya sana magising na si Ivan para makain na niya to. Pero siguro mas okay na din yung makapagpahinga muna siya.

Pagdating ko sa kwarto ni Ivan ay wala sina Gio pero naroon ang director at mukhang chinecheck ang kalagayan ni Ivan. Nang makita niya ako ay nginitian niya ko.

"Good morning, hija." Bati niya.

"Kamusta na po si Ivan?" Tanong ko.

"There was an internal bleeding but he's okay now. Pahinga na lang ang kailangan niya para gumaling ang mga pasa at sugat niya."

Maya maya lang ay umalis na din ang director. Naupo ako sa upuan na nasa tabi lang ng kama.

"Siguro kung hindi ako pumayag na ikaw na lang ang pupunta sa bahay, siguro hindi ka nabugbog." Malungkot kong sambit habang tinititigan ang maamo niyang mukha. Kahit na may mga sugat siya sa mukha ay kitang kita pa din ang pagiging magandang lalaki niya. Hindi kaya napagtripan lang ng mga adik si Ivan sa lugar namin?

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon