33

75 0 0
                                    

in the process of falling in love

Ang sabi sakin ng mga magulang ko dati, may mga tao talagang nakatakda na hindi aalis sa buhay mo anuman ang mangyari. Na hindi sila kasama sa kasabihang people come and go. Sana... sana ganon din si Ivan.

Nandito ako sa kabilang kwarto na siyang guest room ni Ivan. Ngayon lang ako makakatulog dito sa condo. Anong oras na kaya? Kanina nung lumabas ako ng hall eleven o'clock na ng gabi. Nakita ko ang digital clock sa tabi ng tv at 12:30 na pala.

Hindi na ko nahihilo gaya ng kanina. Lasing ba talaga ko? Tingin ko kasi hindi naman. Matino pa ang isip ko saka maayos naman ang galaw ko. Salamat na rin kay Ivan kasi pinahiram niya ko ng damit. Medyo hindi ako komportable sa suot ko kaninang dress kanina. Ok lang kahit naka-paa lang ako ngayon. Hinubad ko na kasi yung heels.

Nang makarinig ako ng ingay sa labas ay naisipan kong bumangon muna. Hindi pa naman ako inaantok. Si Ivan kaya yun? Wala namang ibang tao dito eh.

Sinubukan kong hindi gumawa ng kahit anong ingay nang lumabas ako. Nakabuhay ang mga ilaw dito sa sala pero wala naman si Ivan. Napatulala ako saglit kasi hindi pa rin nagsisink in sakin na nandito ako sa bahay niya pagkatapos ng hindi namin pagpapansinan.

Muli akong naglakad para sana makiinom ng tubig nang mapasigaw ako. Bigla na lang akong nadapa nang mapatid ako sa isang bagay.

"Grace!" Napangiwi ako sa sakit. Hindi ko alam na nandoon pala si Ivan at nagpu-push ups kaya tuloy lang ako sa paglalakad. Dahan dahan akong inalalayan ni Ivan na makabangon. "Watch where you're going. Masakit ba?"

Umiling ako. "Ayos lang." Pinaupo niya ko sa couch. Lumunok ako at umiwas ng tingin sa kanya. Wala siyang suot na pang-itaas kaya kitang kita ang basang basa niyang abs na may apat na pandesal. A-Ano ba tong sinasabi ko? Nahahawa na yata ako kay JC.

"Why are you still awake?" Walang emosyong tanong ni Ivan. Kinuha niya ang towel sa may tabi ko pati na ang itim niyang tshirt at isinuot ito.

"H-Hindi lang ako makatulog sa—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang namatay ang mga ilaw. Mukhang nawalan pa ng kuryente.

"Saglit lang yan." Dinig kong sambit ni Ivan.

Napanganga ako nang mapatingin ako sa paborito kong parte ng unit ni Ivan. Yung glass wall. Sobrang nakakamangha ang dami ng mga bituin ngayon. Dahil nawala ang liwanag dito sa Caseña ay nakita sila sa kalangitan.

Wala pa yatang fifteen seconds nang mabuhay ulit yung mga ilaw kaya medyo nalungkot ako kasi hindi ko na ulit makita yung stars. Minsan pa nga tinititigan ko sila habang iniisip ko ang soulmate ko.

Wala na si Ivan sa harap ko. Lumingon ako sa may kwarto niya at saktong kakapasok niya lang ngunit hindi niya isinara ang pintuan niya. Baka matutulog na siya.

Tumungo ako. Dapat bang i-grab ko na tong pagkakataong to para makausap siya? Para makapag-sorry ako sa kanya. Siguro this time wala na kong karapatang mag-inarte pa. Tumayo ako at lumapit sa kwarto niya.

"Ivan." Mahina ang boses ko. Nakita kong lumabas siya sa cr na salubong ang parehong kilay. Mukhang inaabala ko pa siya. "L-Labas ka muna." Napalunok ako. Hindi ko na nahintay ang sagot niya dahil umalis na ko at bumalik sa sala.

Maya maya ay naramdaman ko na ang paglapit niya dahilan para magwala ang puso ko. Yung tiyan ko nakikiliti dahil sa mga paru-parong nararamdaman ko. Kagat ko ang labi ko hanggang sa naupo siya sa tabi ko.

See You Someday [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon